Wednesday , June 19 2024

Kapatid viewing experience mas pina-level up sa TV5 HD

MAS malinaw at mas pina-intense pa ang panonood ng mga Kapatid viewer ng kanilang mga paboritong TV5shows dahil available na ang network in high-definition (HD) sa pay TV via Cignal Channel 15 simula April 1.

Ma-e-experience na ang TV5 HD at ang mga exciting entertainment, news, at sports programs nito na magle-level up sa TV viewing at bonding ng buong pamilya. Ilan sa mga engaging shows na mae-enjoy sa TV5 HD ay ang highly-rated drama action series na FPJ’s Batang Quipo na laging trending every weeknight at ang mga bagong sitcom na Team A at Kurdapya na maghahatid ng walang humpay na tuwa at katatawanan tuwing Sabado ng gabi.

Mas malinaw din sa TV5 HD ang panonood ng mga balita sa Frontline Pilipinas at Frontline Tonight,pati na rin ang action-packed PBA games na ma-eenjoy ng viewers ang mala-front-row access sa live hardcourt action in the comfort of their homes.

Hindi lang dyan nagtatapos ang saya dahil hatid din ng TV5 HD ang iba pang mga ABS-CBN programs tulad ng mga primetime series na Dirty Linen at The Iron Heart, ang paboritong noontime show ng madlang people na It’s Showtime, ang iconic Sunday variety show na ASAP Natin ‘To, at marami pang iba. Tampok din ang kuwelang kulitan sa Tropang LOLna mapapanood araw-araw mula Lunes hanggang Sabado bago mag-It’s Showtime sa TV5 HD.

“We are committed to provide the best possible viewing experience for our Kapatids wherever they are and however they choose to watch their favorite TV shows. With our very own TV5 channel now available on ultra clear, digitally enhanced, high-definition quality on TV5 HD, we guarantee a leveled up viewing satisfaction that will make audiences love our shows even more,” pagbabahagi ni TV5 President at CEO Guido R. Zaballero.

Panoorin ang mga paborito mong Kapatid at Kapamilya shows like never before! Mas malinaw, mas detalyado at in high definition format sa TV5 HD, available sa Cignal Channel 15 simula April 1. (MVN)

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Jhong Hilario Vhong Navarro Ogie Alcasid Vice Ganda

Ogie, Jhong, Vhong ‘nakakanti’ rin ni Vice Ganda

HATAWANni Ed de Leon EWAN kung paanong natatagalan ng mga kasama niya sa show si Vice …

DingDong Dantes Marian Rivera Zia Sixto

Marian tagos sa puso mensahe kay Dingdong sa Father’s Day 

I-FLEXni Jun Nardo SIMPLE pero tagos sa puso ang mensahe ni Marian Rivera sa asawang si Dingdong Dantes sa Facebook nito …

Willie Revillame Wowowin Will To Win

Willie emosyonal sa pagbabu sa Wowowin, Will To Win bagong titulo ng show

I-FLEXni Jun Nardo MASAKIT sa loob na binitiwan na ni Willie Revillame ang dating title ng show …

nora aunor

Fans ni Nora nag-ampalaya (Sa pagkalaglag sa The EDDYS) 

HATAWANni Ed de Leon ANG pait ninyo, ampalayang-ampalaya. Matapos na hindi mapasama sa nomination ng The …

Rhea Tan BB Pilipinas 2024 Beautederm

Rhea Tan kokoronahan susunod na Ms. Beautéderm sa Bb. Pilipinas 2024, mga kandidata na-inspire sa kanyang success story

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MATAGUMPAY ang kanilang naging partnership last year, kaya naman masayang inanunsyo ng Beautéderm founder na …