Ara isinantabi muna ang pagbubuntis, tututok sa career
I-FLEX
ni Jun Nardo
IDOLO ni Ara Mina ang foreign host na si Oprah Winfrey mula noon hanggang ngayon.
Eh โyung pangarap ni Ara na mag-host ng isang show eh tinugunan ng Net 25.
Magkakaroon ng lifestyle show si Ara sa nasabing network, ang Magandang Ara!
Yes, ibabahagi niya ang kaalaman sa business, baking at iba pang aspeto ng buhay mula sa kanyang personal na karanasan.
โGood vibes lang ang show. Walang negative at chill lang,โ sabi ni Ara nang maging guest namin sa kinabibiilangang podcast na Maritess University.
Eh bukod sa TV show, may sisimulang bagong movie si Ara, titled Poon na makakasama niya sina Lotlott de Leon at Janice de Belen.
Eh paano na โyung pagbubuntis niya sa asawang si Dave Almarinez?
โNaiintindihan naman ni Dave ang sunod-sunod kong trabaho. Eh sa amin naman, kung darating, darating. In Godโs time lalo naโt busy di siya sa kanyang bagong negosyo,โ sabi pa ni Ara.
