Saturday , April 20 2024
Ernest Beaver Magtalas Mutya Orquia

Ernest Beaver wish makatrabaho si Mutya

RATED R
ni Rommel Gonzales

Ang Roommate ay kasalukuyang napapanood via online streaming tuwing Sabado na  bida sina John Heindrick Sitjar at female young actress Jhassy Busran na mas kilala bilang loveteam na JhasDrick.

Produced ito ng Rems Films at idinirehe ni Gabby Ramos, tampok din dito si MJ Manuel at ang cutie male star na si Ernest Beaver Magtalas.

Nakagawa na ng pelikula si Beaver nitong 2022.

“Actually yes po, it’s called ‘Genius Teens,’ doon po kami unang nag-meet nina Jhassy.”

For five years iyon lamang ang nagawa niyang pelikula.

“Yes po, kasi natamaan po ako ng pandemic, noong nag-start po ‘yung pandemic as in hindi po ako nakaluwas ng Manila, since nasa Nueva Ecija nga po kami.”

Ang Genius Teens ay ipalalabas muli ngayong March 2023 sa mga TV platforms.

At pagkatapos ng Genius Teens may bagong project pa si Beaver, “Mayroon po akong ‘Tahanan ng mga Pangarap’ na soon to be released as well, then itong ‘Roommate.” 

Halimbawa magiging leading man ka na, sino ang gusto mong maging leading lady?

Actually, very close po kami ni Mutya Orquia, so I think mayroon naman na po kaming connection if ever na magka-project po kami together.”

Pero hindi pa sila nagkaka-trabaho ni Mutya?

“Hindi pa po, pero we’ve been friends for a couple of years na.”

Girlfriend niya ba si Mutya? “Hahaha! Hindi po, ano lang po, nagka-workshop kami sa Star Magic, then starting then po naging very close po kami.”

About Rommel Gonzales

Check Also

Gary Valenciano Star Magic ABS-CBN

Gary V handang umarteng muli sa harap ng kamera, bahagi na ng Star Magic family 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio PANIBAGONG career milestone ang naitala ng pambansang Mr. Pure Energy …

Marco Gallo Heaven Peralejo Marven

MarVen nagsabog ng sweetness sa mediaconmmute 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NILANGGAM tiyak ang bus na sinakyan namin noong Miyerkoles ng …

Beaver Magtalas Mutya Orquia

Mutya at Beaver may chemistry sa big screen

ni Allan Sancon HALOS mapuno ang SM The Block Cinema 3 sa dami ng mga …

Beaver Magtalas Rico Yan

Beaver Magtalas mala Rico Yan ang dating

MATABILni John Fontanilla KAMUKHA ng yumaong aktor na si  Rico Yan ang baguhang aktor na si Beaver Magtalas na …

Ivana Alawi

Ivana Alawi gumastos ng milyones para sa lalaki

MATABILni John Fontanilla NABIGLA ang publiko nang aminin ni Ivana Alawi sa kanyang pamilya at sa publiko …