Thursday , February 29 2024
Lady Chatterly Alvaro-Sumbeling

Philippine Navy Lady Chatterly pambato ng Pilipinas sa Mrs Universe 2022

MATABIL
ni John Fontanilla

ISANG lieutenant commander ng Philippine Navy, si Lady Chatterly Alvaro-Sumbeling, na naglilingkod sa Presidential Security Group (PSG ) ang magiging kinatawan ng bansa bilang Mrs Universe Philippines sa gaganaping Mrs. Universe 2022 sa Sofia, Bulgaria, kasama ang lima pang kalahok mula Pilipinas na inilalaban din ng national pageant organization na pinamamahalan ni Charo Laude kasama sina Veronica Yu, Gines Angeles, Jeanie Jarina, Virginia Evangelista, at Michelle Solinap.

Ang nag-iisang Pilipinang nakasungkit sa korona bilang Miss Aura International na si Alexandra Faith Garciaang nagti-train kay Sumbeling, mula sa pagrampa, hanggang sa pagsagot, at sa pagtindig sa entablado.

Malaking tulong ang makakakuha ng payo mula sa isang global beauty queen para sa sundalo sa pagnanais umangat sa isang patimpalak na may mahigit 100 kalahok mula sa iba’t ibang panig ng mundo. 

Nakabuti na rin ang pagkakaantala ng 2022 Mrs. Universe pageant na naunang itinakda nitong Disyembre sa Seoul, South Korea, kaya humaba pa ang panahon ni Sumbeling para makapagsanay.

Dahil sa hindi inaasahang pangyayari sa Korea, nagpasya ang organizer na Mrs. Universe Ltd. na ibalik ang patimpalak sa tahanang bansa nito, at itatanghal na ang coronation night sa National Palace of Culture (NDK) sa Sofia sa Peb. 4 (Peb. 5 sa Maynila).

About John Fontanilla

Check Also

Sheryl Cruz Analyn Barro Jo Berry

Sheryl at Annalyn nag-sorry bago saktan si Jo Berry

I-FLEXni Jun Nardo BAGO pa man saktan ng Kapuso artist na si Annalyn Barro si little persona  Jo …

Luis Manzano Jessy Mendiola Vilma Santos Ralph Recto Edu Manzano

Ate Vi, Ricky Lee binigyang pagkilala ng CCP at St. Paul-QC

I-FLEXni Jun Nardo HINANGAAN ang blended family nina Vilma Santos-Recto, asawang Sen. Ralph Recto, at anak na si Christian kasama …

Blind item gay male man

Young actor buking ni direk pagpapahada sa matandang showbiz gay

ni Ed de Leon PINAG-UUSAPAN nila ang isang matandang showbiz gay na para raw halimaw basta may …

Bea Alonzo Dominic Roque

Dahilan ng hiwalayan nina Bea at Dominic inilantad 

HATAWANni Ed de Leon NGAYON unti-unting lumalabas na ang ibang detalye. Kasalukuyan daw palang gumagawa …

Coco Martin Ricky boy

Karga-kargang bata ni Coco na si Ricky Boy may potensiyal sumikat

HATAWANni Ed de Leon MAY nakita kaming picture ng isang poging batang lalaki na karga-karga …