Thursday , April 18 2024
Bela Padilla Marco Gumabao Spellbound

Bela Padilla tagumpay sa pananakot, pagpapakilig, at pagkokomedya

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

NAGUSTUHAN namin ang istorya ng bagong handog na pelikula ng Viva Films na nagtatampok kina Bela Padilla at Marco Gumabao, ang Pinoy adaptation ng Korean blockbuster na Spellbound na ukol sa mahika, mga multo, at pag-ibig. Ito rin ang Valentine movie offering ng Viva.  

Kaya kung gusto ninyong kiligin, matuwa, matakot, mainlab, tamang-tama ang pelikulang Spellbound na idinirehe ni Jalz Zarate at mapapanood na simula ngayong araw, February 1 sa mga sinehan.

Muli nagpakita ng kahusayan si Bela sa kanyang galing sa acting, pero mas nagustuhan namin dito ang aktres na gumaganap bilang si Yuri. Na simula nang makaligtas sa aksidente noong high school ay nakakikita na ng mga multo. Nagpaparamdam rin ang mga multo sa mga taong malapit sa kanya kaya naman kahit ang kanyang pamilya lumayo sa kanya. Rason kasi ni Yuri mas maigi nang manatiling mag-isa sa buhay kaysa madamay ang mga mahal niya sa buhay.

Si Marco naman si si Victor, isang street magician na mapapalapit kay Yuri na naging inspirasyon niya para makabuo ng isang horror magic show na naging patok sa mga manonood.  

Kasama rin si Rhen Escaño na gumaganap bilang si Krissy, ang pinaka-aktibong multo sa buhay ni Yuri na best friend niya at naging dahilan ng pagkamatay dahil sa isang aksidente. Saan man magtungo si Yuri, nakabuntot si Krissy kaya naman kahit mga manliligaw walang tumagal kay Yuri.

Sa totoo lang nagustuhan namin ang pelikula dahil talagang na-entertain kami kahit pa may mga nakatatakot na eksena. Nagtagumpay si Bela na muling maipakita ang galing niya sa mga hugot scene gayundin sa pagpapakita ng kanyang funny side.

Paborito naming eksena ‘yung nasa isang restoran sila ni Marco na habang umiinom ay hindi sinasadyang makita ang sweet na sweet na magsyota sa kabilang lamesa. Na habang naghahalikan ay pinagagalitan niya. Talagang sumakit ang tiyan namin sa eksenang iyon sa kung paano talaga nagalit si Bela. Natural na natural ang acting   gayundin ang mga dialogue na for sure siya mismo ang gumawa. 

Kakaiba rin ang pananakot na ginawa rito na talagang mapapasigaw ka. Nasabi nga namin na kung ipinalabas iyon sa Metro Manila Film Festival 2022 tiyak tatabo iyon sa takilya.

Ang Spellbound ay ang unang tambalan nina Bela at Marco, pero naging magkatrabaho sila sa isang pelikulang isinulat ni Bela (Apple of My Love) na si Marco ang isa sa mga bida.

Ibinahagi ni Bela na ito ang unang pagkakataon na malapit sa personalidad niya ang kanyang karakter na ginagampanan. Duwag din kasi siya pagdating sa mga multo na tulad ni Yuri.

Palabas na simula ngayong araw, February 1, 2023 ang Spellbound at kasama rin dito sina Cindy Miranda at Ronnie Liang bilang love interests nina Victor at Yuri.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Rachel aminadong mas mahirap magpasikat ng kanta ngayon

RATED Rni Rommel Gonzales NATANONG namin si Rachel Alejandro sa kung ano ang malaking pagkakaiba ng music …

Atasha Muhlach Daniel Padilla

Daniel at Atasha iniuugnay ng fans

REALITY BITESni Dominic Rea KINIKILIG ako actually sa naglalabasang cropped photos nina Daniel at Atasha Muhlach.  …

Kathryn Bernardo Jericho Rosales Alden Richards

Kathryn pinag-aagawan daw nina Alden at Echo

REALITY BITESni Dominic Rea PAGKARAANG ianunsiyo ni Kathryn Bernardo na she’s already healed after her break-up with Daniel …

Gringo Honasan Ferdinand Topacio Baby Go

Sen Gringo isasapelikula ang buhay

I-FLEXni Jun Nardo NAKATAKDANG gawan ng Borracho Film Production ang buhay ni former Sen Gringo Honasan na hindi pa …

Vilma Santos Ricky Lee Anak CCP UST Ricky Lee

Ate Vi sinipot pa rin screening ng Anak at talkback kahit masama ang pakiramdam

I-FLEXni Jun Nardo MASAMA ang pakiramdam ni Vilma Santos–Recto nang dumalo sa event ng CCP Icons para sa screening …