Monday , March 4 2024
Quinn Carrillo Ai Ai delas Alas

Quinn Carrillo, may kakaibang excitement sa pelikulang Litrato

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

ISANG lola na may Alzheimer’s disease at isang istriktong caretaker ang ilan sa tampok na karakter sa pelikulang Litrato na pinagbibidahan ng Comedy Queen na si Ai Ai delas Alas.

Mula sa panulat ni Direk Ralston Jover, ito ay sa pamamahala ni Direk Louie Ignacio. Tampok din dito sina Ara Mina, Quinn Carrillo, Bodjie Pascua, Duane David, Rowan Diaz, at Liza Lorena.

Ito’y ukol sa isang matandang babae na nasa care facility na mayroong Alzheimer’s disease at madalas na nanghihingi ng mga litrato sa mga taong hindi niya kilala dahil wala sa kanyang dumadalaw. Magbabago ang buhay ni Lola Edna nang dumating ang isang istriktong caretaker.

Si Quinn ang gaganap na caretaker dito at base pa lang sa kuwento ni Direk  Louie, ito ay isang passion project niya na six years ang hinintay bago nasimulan. Maraming kaabang-abang na twist dito, ayon pa sa award-winning Kapuso direktor.

Kuwento ni Quinn, “Yes po, ako yung gaganap na istriktong caretaker ni lola Edna. Magugulat siya kasi hindi ako mabait sa kanya, na gaya ng ibang caretakers na kinakawawa niya.

“Matutuwa yung ibang mga lola sa akin kasi napapasunod ko si lola Edna.”

Ano ang preparation niya rito? Tugon ng aktres, “Nag-workshop po ako kay Ms. Ruby Ruiz. Nag-usap din kami na ang gusto nga raw ni direk dito ay indie acting at no acting, acting talaga. Malaking tulong po yung pagwo-workshop ko kay Ms. Ruby.

Nagpahayag din ng kagalakan at kakaibang excitement ang aktres/writer sa pagkakataong ibinigay sa kanya para maging bahagi ng pelikula.

“Nakaka-flatter po, super, at nakakataba talaga ng puso kasi I’ve worked with direk Louie pero as a writer niya for Vivamax films. So, ngayon sabi namin finally as artista naman niya ako at nae-excite talaga ako, kasi ang ganda ng story nito,” masayang sambit pa ni Quinn.

About Nonie Nicasio

Check Also

Coco Martin Sandaran Park

Sandara at Coco pinag-uusapan proyektong pagsasamahan

MATABILni John Fontanilla NASA bansa ngayon ang KPop artist na si Sandaran Park para sa promotion ng …

JK Labajo

JK Labajo naloka nawawalang underwear ibinebenta online triple pa ang presyo

MA at PAni Rommel Placente SA eksklusibong panayam ng PEP.ph sa singer-actor na si JK  Labajo, naikuwento niya …

Tom Rodriguez

Tom sa pagbabalik-showbiz: I feel buo na uli ako

MA at PAni Rommel Placente MAHIGIT dalawang taon ding namalagi sa America si Tom Rodriquez, na …

Sofia Pablo Eras Tour Taylor Swift

Sofia nabogus sa Eras Tour ni Taylor Swift

BIKTIMA ng bogus ticket seller ang Sparkle artist na si Sofia Pablo para sa Eras Tour ni Taylor Swift sa Singapore. Maaga …

Kelvin Miranda

Kelvin tinuligsa pagnguya ng gum habang nasa stage

I-FLEXni Jun Nardo HUWAG gawing dahilan ni Kelvin Miranda ang pagtago sa kanyang nerbiyos kaya siya ngumunguya …