Friday , May 17 2024
Mark Jay MJ Bacojo Chess

PH bet MJ Bacojo 2nd sa Hong Kong chess tilt

ni Marlon Bernardino

MANILA — Iwinagayway ni National Master Mark Jay “MJ” Daños Bacojo ang Bandila ng Filipinas matapos mag-second place sa Hong Kong Bauhinia U-18 Invitational Chess Championships.

Nakalikom si Bacojo ng five wins, one draw, at loss sa pagtatapos ng apat na araw, 27-30 Disyembre 2022 FIDE standard tournament nitong Biyernes na ginanap sa Regal Oriental Hotel, Kowloon City, Kowloon, Hong Kong.

Namayani ang 16-anyos na si Bacojo, Grade 11 student ng Dasmariñas Integrated Highs Shool kontra kina Yen-Hsiu Elliot Wong ng Singapore sa first round,  Jamison Edrich Kao ng Hong Kong sa second round, ACM Hungi Yun ng Korea sa third round, Shun Him Leung ng Hong Kong sa sixth round, at Ayana Nicole Usman ng Filipinas sa seventh at final round.

Tabla si bacojo kay Isaak Huh ng Korea sa fourth round pero natalo kay Yiheng Li ng Hong Kong sa fifth round.

Bagamat natalo kay Bacojo sa opening round ay nakamit pa rin ni Wong ang titulo kasama ang top purse 15,000 Hong Kong dollars, trophy, at gold medal matapos magtala ng anim na sunod na panalo.

Nagkasya si Bacojo sa runner-up prize na 7,000 Hong Kong dollars kasama ang silver medal.

“We are very happy with the results na 2nd Place si MJ. Sayang, kinulang ng kalahating puntos para sa titulo pero overall maganda ang naging performance niya,” sabi ni national coach FIDE Master Roel Abelgas na nagpapasalamat kina mayor Jenny Barzaga at Rep. Elpidio “Pidi” Barzaga, Jr., sa kanilang pagtulong sa local at international chess tournament.

Nakapasok sa top ten sina Yun (third), Jiu Yarng Clarance Foo ng Malaysia (fourth), Li (fifth),  Zong Ze Cheah ng Malaysia (sixth), Usman (seventh), Huh (eight), Leong (ninth), at Giuk Han ng Korea (tenth).

Ang isa pang Filipino entry na si AIM Alexandra Sydney Paez ay nasa 16th place.

About Marlon Bernardino

Check Also

Ronald Dableo Reu Gabriel Sebolino Jan Emmanuel Garcia Ranier Pascual

Dableo naghari sa Sicilian Prodigy tilt

WINALIS ni Grandmaster Candidate at International Master Ronald Dableo ang lahat ng kanyang mga nakatunggali …

Arbiter Alfredo Chay Martin Binky Gaticales

Ika-4 na Edisyon ng PH Chess Hall of Fame Rapid Tournament nakatakda sa 11 Mayo

SUSUBUKAN na naman ng “cream of the crop” sa Metropolis chess ang pagtatagisan ng isipan …

QUEEN LAUREN Terry Capistrano John Cabang Reli de Leon PATAFA

Dela Cruz ginto sa men’s 10,000-meter walk

BINUKSAN ni Vincent Vianmar Dela Cruz ng University of the East ang Day 2 ng …

TOPS PSC PAI Chito Rivera Nicola Queen Diamante Patricia Mae Santor

Liderato ng PAI kinilala ng international community

PATULOY ang pagkilala ng international community sa liderato ng Philippine Aquatics, inc. (PAI) na ayon …

PATAFA Terry Capistrano John Cabang

Filipino sprinter John Cabang muling nagtakda ng PH record

IPINAKITA ng Filipino sprinter na si John Cabang na siya ay nangunguna sa tamang panahon …