Thursday , April 18 2024
Suzette Ranillo Carl Balita Gloria Sevilla

Ms Gloria Sevilla binigyang parangal sa 1st Gawad Banyuhay

RATED R
ni Rommel Gonzales

SA paanyaya ng kaibigan naming actress/director na si Suzette Ranillo ay dumalo kami sa magarbong 1st Gawad Banyuhay Awards na pinarangalan ang ina ng aktres, si Ms. Gloria Sevilla, ng Gawad Banyuhay Aktor ng Panahon.

Si Suzette ang tumanggap ng parangal mula kay Dr. Carl. E. Balita (ng Carl Balita Review Center) na siyang nagtatag ng naturang award-giving body na idinaos sa grand ballroom ng Manila Hotel, Lunes ng gabi, December 12, 2022.

Mom has left a legacy to bolster not just the Visayan movies and talents but the whole regional filmmaking. And I plan to continue it.

“But I can’t do it alone. I hope to get support not just from the entertainment industry but also some sort of a subsidy from the government,” pahayag ni Suzette. 

Mukha namang nakahanap si Suzette ng katuwang sa kanyang adhikain sa katauhan ni Dr. Carl dahil silang dalawa ang namili, katuwang ang SPEEd o Society of Philippine Entertainment Editors ng awardees sa Gawad Banyuhay sa sector ng Entertainment.

Dumalo ang ilang SPEED members tulad nina, Nestor CuarteroErvin Santiago, at ang patnugot ng HATAWtabloid na si Maricris Valdez.

Ang Gawad Banyuhay Gloria Sevilla Actress of the Year award ay ipinagkaloob kay Sharon Cuneta; ang Gawad Banyuhay ng Programang Pang-edukasyon ay nakamit ng Maria Clara At Ibarra ng GMA na tinanggap ni Barbie Forteza;

ang celebrity chef na si Boy Logro naman ay ginawaran ng Haligi ng Siklab award; ang Gawad Banyuhay Haligi ng Musika ay ipinagkaloob kay Dulce at ang Gawad Banyuhay ng Musika Dulce Singer of the Year ay ipinagkaloob naman sa Pop Diva na si Kuh Ledesma.

Wala sa awards night sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na pinarangalan bilang Gawad Banyuhay ng Pagmamahalan pero may video na ipinadala si Daniel bilang pasasalamat sa kanilang award.

Nasa awards night ang kaibigan ni Suzette na actress/businesswoman na si Kate Brios na Board Member din ng MTRCB o Movie and Television Review and Classification Board bilang suporta sa parangal kay Tita Gloria.

Matagal na panahon na Board Member ng MTRCB si Tita Gloria; si Suzette ba ang papalit sa mommy niya as MTRCB Board Member?

It would be an honor if I do. Mom was passionate with her work sa MTRCB as Board Member. She served six or seven different MTRCB chairpersons,” sinabi pa sa amin ni Suzette. 

About Rommel Gonzales

Check Also

Glaiza de Castro David Rainey

Glaiza naka-iskedyul pagbuo ng baby

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG busy si Glaiza de Castro, paano ang pagbuo nila ng pamilya ng …

Rachel aminadong mas mahirap magpasikat ng kanta ngayon

RATED Rni Rommel Gonzales NATANONG namin si Rachel Alejandro sa kung ano ang malaking pagkakaiba ng music …

Atasha Muhlach Daniel Padilla

Daniel at Atasha iniuugnay ng fans

REALITY BITESni Dominic Rea KINIKILIG ako actually sa naglalabasang cropped photos nina Daniel at Atasha Muhlach.  …

Kathryn Bernardo Jericho Rosales Alden Richards

Kathryn pinag-aagawan daw nina Alden at Echo

REALITY BITESni Dominic Rea PAGKARAANG ianunsiyo ni Kathryn Bernardo na she’s already healed after her break-up with Daniel …

Gringo Honasan Ferdinand Topacio Baby Go

Sen Gringo isasapelikula ang buhay

I-FLEXni Jun Nardo NAKATAKDANG gawan ng Borracho Film Production ang buhay ni former Sen Gringo Honasan na hindi pa …