Wednesday , May 29 2024
fake documents

Chinese national, 2 Pinoy arestado sa pamemeke ng dokumento

ISANG Chinese national at dalawang katropang Pinoy ang dinakip ng mga operatiba ng Parañaque City Police dahil sa paggamit ng mga pekeng dokumento para mailabas ang mga na-impound na sasakyan mula sa isang towing services, sa follow-up operation, kamakalawa ng gabi sa Parañaque City.

Dakong 10:30 pm nang mahuli sa Eddie Boy Compound, Brgy. San Isidro, Parañaque City ang mga suspek na sina Wen Zhang,  35, Chinese national;  Bernard Guevarra, 47; at Billy Macanan, 45 anyos.

Base sa ulat, isinumbong ng biktimang si Jerry Dela Peña, 55 anyos, negosyante, ang mga suspek na gumamit ng mga pekeng dokumento para mai-release ang isang Mitsubishi Pajero.

Agad ikinasa ang follow-up operation nang kompirmahin ng biktima na dalawang sasakyan mula sa NJP Towing Services ang na-impound dahil sa traffic violations noong Enero 2022 ang ginamitan din ng mga pekeng release order na pinalabas na inisyu ng Paranaque Traffic Bureau, may petsang 4 at 16 Nobyembre 2022.

Nakuha ang isang gray 2018 Mitsubishi Montero,  may plakang DAJ 8860 sa Woodville Residence, Brgy. Merville, Parañaque at isang sleek ecru metallic 2011 Lexus sedan, may plakang PIR 118  sa Old Nayong Filipino Complex, Pasay City.

Nasa Parañaque City police detention facility ang mga suspek para sa imbestigasyon. (GINA GARCIA)

About Jaja Garcia

Check Also

SSS, Bocaue LGU lumagda sa MOA para sa social security coverage ng JO workers

SSS, Bocaue LGU lumagda sa MOA para sa social security coverage ng JO workers

IPINAHAYAG ng Social Security System (SSS) na mahigit 800 job order (JO) na manggagawa sa …

Sa Bulacan 3 TULAK, 1 PUGANTE NASAKOTE NG PNP

Sa Bulacan  
3 TULAK, 1 PUGANTE NASAKOTE NG PNP

Arestado ng Bulacan PNP ang tatlong nangangalakal ng droga at isang pugante sa isinagawang anti-crime …

Quezon Provincial Police Office Lucena

8 intel officer arestado sa palpak na drug raid

CAMP VICENTE LIM, LAGUNA — Walong intelligence officer ang inaresto ng kanilang mga kasamahan sa …

shabu drug arrest

 6 tulak ng droga, timbog sa buybust

BAGSAK sa kulungan ang anim na hinihinalang drug personalities matapos malambat ng pulisya sa magkakahiwalay …

Arrest Caloocan

Wanted sa kasong Murder
MISTER HOYO SA KANKALOO

ARESTADO ang isang mister na wanted sa kaso ng pagpatay sa isinagawang manhunt operation sa …