Saturday , July 27 2024
TOPS PSC Noli Eala
PORMAL na nanumpa kay Philippine Sports Commission (PSC) Chairman Noli Eala (dulong kaliwa) nitong Huwebes sa PSC Conference Room ang mga bagong halal na opisyal ng Tabloids Organization in Philippine Sports, Inc. (TOPS) sa pangunguna ni president Beth Repizo (gitna) ng Pilipino Star Ngayon at (mula sa kaliwa) Ferdz De Los Santos (board of director) ng Abante, Danny Simon (board of director) ng Gilas, Rico Navarro (vice president) ng Remate/Remate Online, Edwin Rollon (Secretary) ng (Pilipino Mirror/Metropoler), Dennis Eroa (board of director), Nympha Miano-Ang (Treasurer) ng Bulgar, Jeff Venancio (board of director) ng Police Files Tonite at Ethel Eugenio (board of director) ng Saksi. (HENRY TALAN VARGAS)

TOPS officers nanumpa kay PSC Chairman Eala

MAHALAGANG mapanatili ang koordinasyon at pagkakaisa sa pagitan ng mga mamamahayag at ng Philippine Sports Commission (PSC) sa hangaring mapalawig ang mga programa ng pamahalaan at maisulong ang kaunlaran sa grassroots at elite level ng atletang Pinoy.

Iginiit ni PSC Chairman Noli Eala na kinikilala ng ahensiya ang papel ng sports writing community bilang tagapagtaguyod at pagbibigay ng kahalagahan sa sakripisyo ng mga atleta sa layuning mabigyan ng karangalan ang bansa sa malalaking kompetisyon sa abroad, gayondin ang maipahatid sa publiko ang ginagawang aksiyon at programa ng pamahalaan upang maabot ng mga atleta ang pagiging world-class.

“Kinikilala ng pamahalaan at ng PSC ang samahan ng mga sportswriters bilang partner sa pagsulong ng mga programa para sa kabataang Filipino at sa elite athletes na patuloy na nagbibigay ng karangalan at dangal sa ating bayan. Kayo ay tunay na kasama namin para ma-achieve ng bansa ang sports excellence sa atletang Pilipino,” pahayag ni Eala matapos pangunahan ang oath-taking ceremony ng mga bagong halal na opisyal ng Tabloids Organization in Philippine Sports, Inc. (TOPS) nitong Huwebes sa PSC Conference Room.

Ayon kay Eala, mahalaga ang papel ng mga mamamahayag sa sports dahil nabibigyan nito ng kahalagahan ang ginagawa ng pamahalaan para sa atleta, gayondin ang pagtataguyod sa mga tagumpay ng atleta na nagiging tuntungan para sa mga kabataan na magsikap para matularan ang nagawa ng kanilang mga idolo.

Kompiyansa si Eala na walang magiging sagabal sa produktibong ugnayan ng PSC at ng TOPS.

Nagpasalamat ang dating PBA Commissioner sa paglalaan ng panahon upang mabigyan nang maayos na media coverage ang mga programa ng PSC kabilang ang katatapos na PSC Women’s Martial Arts na pinangasiwaan ni Commissioner Bong Coo.

Sa darating na 17-22 Disyembre, sa pakikipagtambalan sa pamahalaang panlalawigan ng Ilocos Sur, isasagawa ng PSC ang pagbabalik ng Batang Pinoy – ang grassroots talent search ng ahensiya – sa Vigan City.

Puspusan na rin ang paghahanda ng PSC para sa pagsasanay ng atletang Pinoy sa malalaking torneo sa susunod na taon tulad ng SEA Games sa Cambodia, Asian Games sa China, at Asian Indoor Games. (HATAW Sports)

About hataw tabloid

Check Also

Jean Richeane Dela Cruz Rhiana Kaydee Nialla

Dela Cruz, Nialla ratsada sa Speedo Novice and Sprint tourney

NASUNGKIT ng baguhang manlalangoy na sina Jean Richeane Dela Cruz at Rhiana Kaydee Nialla ang …

2024 V-League Collegiate Challenge

Elite collegiate team sa V-League Collegiate Challenge magsasagupaan

AAKITIN ng 2024 V-League Collegiate Challenge ang mahihilig sa volleyball sa isang linggong pagpapakita ng …

Daniel Maravilla Quizon PCAP Chess

Quizon naghari sa PCAP chess tournament

PINATIBAY ni Grandmaster elect at International Master Daniel Maravilla Quizon ang kanyang posisyon bilang isa …

Eric Buhain Speedo tilt sa RMSC, PH sasabak sa AOSI tourney

Speedo tilt sa RMSC, PH sasabak sa AOSI tourney

INIHAYAG ng Philippine Aquatics Inc. (PAI) sa pakikipagtulungan ng Speedo Philippines ang pagdaraos ng 2024 …

National University NU Lady Bulldogs SSL National Invitationals

NU Kampeon sa SSL National Invitationals

IGINAWAD nina Philippine Sports Commission (PSC) Commissioner Fritz Gaston at Vicente Gregorio President/CEO ng Shakey’s …