Friday , February 3 2023
Andrea Torres Rabiya Mateo Max Collins

Andrea, Rabiya, at Max umaariba ang career kahit sawi ang mga lovelife 

I-FLEX
ni Jun Nardo

PUSONG-SAWI man pagdating sa kanya-kanyang lovelife, umaaribang career naman ang isinukli sa nadiskaril na pag-ibig kina Kapuso stars Rabiya Mateo, Andrea Torres, at Max Collins.

Bukod sa daily morning show na TiktoClock News, kasama si Rabiya sa pelikulang One Good Day. Kasama rin ni Rabiya sa movie si Andrea. Ang six-episode series na ito ay nagsimula ang streaming sa Amazon Prime last November 17.

Bukod sa movie, mapapanood din si Andrea sa Filipino-produced film na Pasional kasama ang Argentine actors.

Samantala, si Max naman ay proud na ipinagmalaking kasama siya sa second season ng American-Filipino crime drama TV series na Almost Paradise. Co-lead star niya si Christian Kane at ang second season nito ay ire-release sa Amazon Freevee.

Hindi masisisi ang tatlong Sparkle stars kung mas mahalin nila ang career kaysa  mga lalaking sumugat sa kanilang puso, huh.

About Jun Nardo

Check Also

Rhian Ramos Paolo Contis

Rhian sa pagsasama nila Paolo: Matagal ko na siyang gustong makasama, nagagalingan ako sa kanya

RATED Rni Rommel Gonzales SA unang pagkakataon ay magtatambal sa isang pelikula sina Rhian Ramos at Paolo Contis. …

Cassy Legaspi JK Labajo Darren Espanto

Cassy nagulat, walang alam sa away noon nina JK at Darren 

RATED Rni Rommel Gonzales IKINAGULAT namin na ni wala palang kamalay-malay si Cassy Legaspi na nagkaroon ng mainit …

Barbie Forteza Jak Roberto

Jak nakasisiguro kay Barbie, hindi ipagpapalit sa iba

I-FLEXni Jun Nardo SECURED ang Kapuso hunk na si Jak Roberto sa relasyon nila ng girlfriend na si Barbie Forteza. …

LJ Reyes Paolo Contis Yen Santos

Paolo ipinagtanggol si Yen, ‘di raw siya inagaw kay LJ 

I-FLEXni Jun Nardo INABSUWELTO ni Paolo Contis ang girlfriend na si Yen Santos nang ipalabas ang part 2 ng …

Blind Item, Gay Lovers, matinee idol, male star

Male star na-inlab kay poging actor na ayaw na siyang makatrabaho

ni Ed de Leon ANG totoo pala, talagang nagkagusto ang isang male star na kalabisan naman sigurong …