Wednesday , November 30 2022
Plus Size Fashion Stream

Philippine Plus Size Fashion Stream, makatuturan at ibang klaseng pagrampa ang hatid

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

IBANG klaseng pagrampa ang magaganap sa Dec. 28, 2022 sa Okada Manila na pinamagatang Philippine Plus Size Fashion Stream… A Fine Night Christmas. Isa itong kaabang-abang at makatuturang idea ni Ms. Josefine L. Diolata, isang 40 year old single mom, na siyang Head Organizer nito.

Ang oginal plan nito ay last 2021 pa dapat, pero dahil sa pandemic, naisakatuparan ito noong October 2022. Kabalikat ng proyektong ito sina Ms. Koko Lagunzad bilang Marketing Head at Finance Head na si Ms. Steffi Macam.

Ito’y hatid ng K & Co. Events at pamamahalaan ng actor & TV director na si Ricky Rivero.

Masasaksihan dito na hindi balakid ang timbang o size ng 14 na modelo, para gawin ang gusto nila at magkaroon ng kakaibang confidence sa kanilang sarili.

Ang 14 Plus Size Models ay binubuo nina Christine Cruz, Shyramae Cortal, Mutya Lopez, Elezze Geoca, Leigh Cinco, Hazel Conde, May Cruz, Lee Paguta, Swen Koffa, Mariam Fouad Khalil, Denice Elizalde, Ria Abril, Arabella David, at Rocy Arcon Cajandab.

Sa ginanap na press presentation sa kanila recently, nasaksihan dito hindi lang ang pagiging plus size ng mga modelo kundi pati na rin ang kanilang talento at talino sa pagsagot sa mga taga-media.

Ibinihagi ng 14 Plus Size models ang ilang karanasan nila like ang ma-bully, na ang iba, pati family and friends nila mismo ay hindi sila sinuportahan. Ngunit, ginawa nila itong inspirasyon para maging successful sa kanilang buhay at ipakita sa mga nanunuya sa kanila ang other side ng kanilang pagkatao.

Ang kanilang logo na Gold Lady ay nagre-represent ng classy and bolder woman na kayang harapin ang anumang kaganapan na mangyayari sa sinomang plus size woman.

Layunin ng Philippine Plus Size Fashion Stream na tumulong sa mga kababaihang may karamdaman sa ovaries, uterus, at breast cancer dahil sa pagiging obese o mataba.

Nililinaw din ng organization na ito na hindi nila ipino-promote ang kanilang pagsu-sustain sa appearance nila, dahil naniniwala silang health is wealth.

About Nonie Nicasio

Check Also

Jake Cuenca Dimples Romana Sean de Guzman Tiffany Grey

Dimples pinuri ang pagiging propesyonal ni Sean

MA at PAni Rommel Placente ISA sa official entry sa darating na MMFF 2022 na magsisimula sa December …

Julie Anne San Jose Rayver Cruz

Rayver at Julie Anne umamin na

MA at PAni Rommel Placente SO, talagang may relasyon na sina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz, …

Francesca Flores

Baguhang si Francesa totodo sa paghuhubad

MATABILni John Fontanilla ANG paghuhubad ang ginagawang stepping stone para makilala at sumikat ni Francesca Flores. …

Sean de Guzman Jake Cuenca Len Carillo Joel Lamangan Dimples Romana

Sean de Guzman bonus sakaling manalong Best Actor sa MMFF 2022

MATABILni John Fontanilla HINDI umaasang mananalo ng acting award si Sean De Guzman sa husay na ipinakita …

Angela Morena Stefanie Raz Micaella Raz

Angela wa keber suportahan ang kapatid

KITANG-KITA namin ang suportahan ng magkakapatid na Angela Morena, Stefanie Raz, at Micaella Raz sa pelikulang Bata pa si Sabel ng Vivamax na …