Monday , April 15 2024
Snooky Serna Maricel Soriano Gabby Concepcion

Snooky ibinuking panliligaw noon ni Gabby kay Maricel

MA at PA
ni Rommel Placente

IBINISTO ni Snooky Serna na nanligaw noon si Gabby Concepcion kay Maricel Soriano.

Nag-guest si Maricel sa vlog ni Snooky na nagkuwentong ginagawa nila ang pelikulang Underage (1980), na pinagbidahan nila ni Maricel, kasama si Dina Bonnevie,  nang ligawan ni Gabby si Maricel.

That time, ay crush ni Snooky si Gabby pero hindi siya napansin ng aktor bagkus ay si Maria. Kaya pinayuhan siya ng kanyang ina noon, ang dating aktres na  si Mila Ocampo, na uminom ng uminom ng gatas para mapansin ni Gabby. Para siguro pumuti gaya ni Maricel. Pero wala ring nangyari, dahil si Maricel nga ang niligawan ng dating mister ni Sharon Cuneta.

Pagkarinig ni Maricel ng pambibisto ni Snooky, sabi niya, hindi niya na naalala ‘yun. Ayaw niya kasi ng  mapuputi. Pero si Snooky, sabi niya, “I remember, kasi medyo makirot sa dibdib.”

Na ang ibig niyang sabihin, hindi nga kasi siya ang niligawan ni Gabby kundi si Maricel.

Wala namang napabalita noon na nagkaroon ng relasyon sina Maricel at Gabby. Ang mga naging boyfriend ni Maricel ay sina William Martinez at Ronnie Rickets. Naging asawa naman niya si Edu Manzano at nakarelasyon din niya si Cesar Jalosjos na ama ng anak niyang si Tien-Tien.

So, binasted siguro ni Maricel si Gabby, ‘di ba? Sabi nga kasi niya ay ayaw niya ng mapuputi. Eh,si Gabby ay maputi. Pero si Edu rin naman ay maputi. Pero nagustuhan siya ni Maricel. Siguro ay wala lang spark sa kanya si Gabby.

About Rommel Placente

Check Also

Sunshine Dizon Sunny

Sunshine napangatawanan pagiging retokada, Candy agaw-eksena sa Sunny

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio ALIW na aliw kami sa bagong handog na pelikula ng Viva …

Klinton Start

Klinton Start, magiging active ulit sa showbiz pag-graduate ng kolehiyo

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SA KANYANG pag-aaral muna sa kolehiyo ang naging focus ngayon …

Blind Item, Matinee Idol, Mystery Man

Kilalang direktor nag-resign dahil sa sobrang ‘komesiyal’ ng production

PUSH NA’YANni Ambet Nabus GAANO kaya ka-true ang tsismis na umano’y nag-resign ang isang kilalang direktor sa …

MarVen KrisshRome HyGab Marco Gallo-Heaven Peralejo, Krissha Viaje Jerome Ponce  Hyacinth Callado Gab Lagman

3 loveteam ng VAA pantapat sa mga kilalang tandem

PUSH NA’YANni Ambet Nabus UY, may tatlong love teams ang Viva Artists Agency na ipanlalaban sa mga …

Sparkle artists

Sparkle artists magkakaroon pa ng shows sa LA at Japan

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MARAMI pang shows abroad this year ang aabangan sa Sparkle artists …