Saturday , July 27 2024
AJ Raval Angeli Khang US X HER

AJ at Angeli ‘pinaligaya’ ang mga sarili

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

PANALO ang mga tututok sa bagong handog ng Vivamax dahil dalawang reyna nila ang mapapanood, sina AJ Raval at Angeli Khang sa US X HER na isang psychological drama kasama si Kiko Estrada at idinirehe ni Jules Katanyag.

Parehong nagpakita ng galing sa pag-arte at kaseksihan sina AJ at Angeli na bagamat mga reyna ng Vivamax ay hindi namin nakita ang pagpapatalbugan.

Sa totoo lang, nagbigayan ang dalawa at nagsuportahan na makikita sa pelikula.

Ginagampanan nina Angeli at AJ ang role nina Lila at Mari na nagsalo sa iisang lalaki at kalaunan ay sila ang nagkagustuhan hanggang sa pagsaluhan na rin nila si Kiko. 

Tiyak na matutuwa ang mga manonood dahil ito ang kauna-unahang pagkakataon na makikitang pinaliligaya nina AJ at Angeli ang isa’t isa. May pagkakataon pa ngang kung ilang beses nagsarili si Angeli sa pelikula.

Magugulat lamang ang viewers sa kakaibang estilo ni direk Jules sa pagdidirehe dahil iba-ibang ending ang ipinakita at ibang estilo ng paglalahad ng istorya.

Paliwanag ni direk Jules, inspired ang pelikula niyang Us X Her sa classic movie ng Viva, ang  Sinasamba Kita.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Ruru Madrid Coco Martin

Ruru gagayahin si Coco magdidirehe at magpo-produce

RATED Rni Rommel Gonzales NADISKUBRE namin na may ambisyon pala si Ruru Madrid na maging isang producer. …

Binibining Pilipinas PlayTime Binibini

PlayTime sanib-puwersa sa 60th Binibining Pilipinas 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MALUGOD na inihayag ng PlayTime, ang mabilis na lumalagong 24/7 online …

Puregold Cinepanalo Film Festival 2025

2nd Puregold Cinepanalo mas pinalaki, mabibiyayaan ng grant dinagdagan

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio  MAS pinalaki, mas pinalawak. Ito tila ang gustong tahakin ng …

Quinn Carillo Christine Bermas Itan Rosales Kaskasero

Christine Bermas at Itan Rosales, unang nagkatikiman sa pelikulang Kaskasero

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio UNANG nagkasama sa isang project sina Christine Bermas at Itan …

Mark Anthony Fernandez Mariane Saint Carby Salvador

Mark Anthony bokya kay Mariane

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio HINDI issue kay Mark Anthony Fernandez kung nagpapakita siya ng skin sa …