Kylie Padilla, Aljur Abrenica

MATABIL
ni John Fontanilla

UMAASA pa rin si Aljur Abrenica na magkakabalikan sila ni Kylie Padilla.

Sa isang interview ay sinabi ni Aljur na mayroon pang posibilidad na magkabalikan  sila ni Kylie dahil, “wala namang nakaaalam kung anong mangyayari.

Hindi ko nga alam na maghihiwalay kami eh. Hindi ko nga alam na magkakaanak kami, ‘di ba?” 

Humingi rin ito ng tawad sa mga taong nasaktan at nagalit sa kanya sa nangyari sa kanila ni Kylie. “Naa-appreciate ko ang lahat, thank you. Even though ‘yung iba nagagalit and may sinasabi sa aking masama, I appreciate that kasi naramdaman ko ‘yung sakit nila.

Nasaktan din naman ako, nasaktan kaming dalawa,” pahayag pa ni Aljur.