Sunday , June 23 2024
Toni Gonzaga

Toni naturuan ang sariling manahimik laban sa mga basher

HARD TALK
ni Pilar Mateo

SPELL s-u-c-c-e-s-s.

Tiyak namang papasok ang Multimedia star na si Toni Gonzaga.

Nakilala na siya sa commercials. Pinasok ang mundo ng musika. Kumunekta sa pag-arte. Hanggang naging in demand din bilang host.

Sa isang banda, nasa liga rin ng mga masunurin sa mga magulang at mapagmahal sa pamilya ito. Kaya naman, malaki rin ang pasalamat niya sa pagsubaybay sa kanya nina Mommy Pinty at Daddy Bono to get to where she is now.

Happily married to Paul Soriano at nabiyayaan na ng isang Seve.

Ayos na ayos kung iisipin ang buhay ng ate ni Alex Gonzaga.

Parang mai-imagine mo na nasa harap niya ang malalaking kahon. Kakatok lang siya at ‘yun ang pagtutuunan niya ng pansin para piliing gawin.

Ilang taong nabakante sa concert scene. At ang pandemya ang nagmulat sa kanyang mga mata sa maraming bagay.

Nawala na ‘yung fear…”

Ang hindi pagiging kompiyansa sa sarili. Ang takot sa press. At marami pa.

At kahit pa namunini na ang bashers, naturuan ni Toni ang sariling maging tahimik. Sa maski na ano pa ang ibato sa kanya.

Gone full circle.

Kaya ang tanong ko sa kanya ay kung maglalabas ba siya ng libro tungkol sa naging ikot ng buhay niya. In and out of the biz.

Oo naman daw. But she has yet to complete pa more chapters in her life! 

And she wishe to thank Godfather Productions of Joed Serrano and her dearest Mommy Pinty sa pag-produce ng concert. As well as Ever Bilena and Hello Glow.

Isa ring mabisang endorser ng mga produkto si Toni.

About Pilar Mateo

Check Also

Rhen Escano

Karma ni Rhen pang Hollywood-level

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Rhen Escano na sobra siyang nahirapan sa paggawa ng action film, ang …

CC6 Music Fest 2024

CC6 Music Fest 2024 aarangkada kasama ang Rocksteddy at Mayonnaise

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MAKIPAG-RAKRAKAN, kantahan, at sayawan sa June29, 2024 kasama ang ilang …

Darren Espanto D10 Star Magic

Darren Espanto pambato ng Star Magic  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NATAWA kami sa tinuran ni Darren Espanto nang matanong kung …

Diwata

Diwata walang kiyemeng kumain ng tsiken habang sumasagala 

MATABILni John Fontanilla HINDI na nga maitatago pa ang kasikatan ng social media viral pares …

Marian Rivera Balota

Marian intense ang aktingan sa Cinemalaya entry  

RATED Rni Rommel Gonzales SIGURADONG kakaibang Marian Rivera ang mapapanood sa Cinemalaya entry na  Balota. Makikita sa isang BTS photo …