Sharon Cuneta Ryza Mae Dizon

Sharon fan na fan ni Ryza Mae; ‘Di napigilang magpa-picture nang magkita 

I-FLEX
ni Jun Nardo

WALANG pakialam na nagpakuha ng picture ang megastar na si Sharon Cuneta kay Ryza Mae Dizon nang magkita sila sa birthday ni Yohan, anak nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo nitong nakaraang mga araw.

Naka-flex sa Instagram ni Sharon ang litrato nila ni Ryza at sinabing matagal na siyang fan ng dalagita ng Eat Bulaga Dabarkads.

Noon pa gusto ni Shawie na mag-guest sa talk show ni Ryza sa GMA. Ayon kay Shawie, nahihiya siyang magprisintang guest. Kahit  noon kasi nasa States ang megastar, pinanood niya ang show ng Eat Bulaga discovery.

Say pa ni Shawie, “Nakiusap talaga ako magpapapicture.”

Kaya dream come true kay Sharon na makasama sa pic si Ryza Mae!