Wednesday , June 24 2026
Elijah Canlas

Elijah may sikreto sa puwet, mas feel mag-frontal

I-FLEX
ni Jun Nardo

INSECURE sa kanyang balat sa puwet ang award-winning actor na si Elijah Canlas kaya naman nang sabihin sa kanya ni direk Perci Intalan na may butt exposure siya sa sexy horror movie na LiveScream, nagbiro siya ng, “Puwede frontal na lang? Ha! Ha! Ha!”

Bago gawin ni Elijah ang exposure, nagpaalam siya sa kanyang parents at girlfriend na si Miles Ocampo.

May pa-story board si direk Perci. First time kong magkaroon ng ganoon. Tapos, nakita ‘yung scene sa butt exposure. Tinanong ko kunga kailangan talaga. Very valid ang thesis defense niya about vulnerability. Napaamin ko kasi may itinatagong sikreto sa mga tao.

“May balat ako sa puwet. Mas gusto ko na lang ang frontal kaysa ipakita ‘yun.  Pero hindi ako malas, huh!” paliwanag  niya sa special screening ng movie.

Pero hindi naman big  deal ang balat niya sa screen at hindi masyadong nahalata sa movie. Mas lamang ang husay niya sa acting at direksiyon ni direk Perci kaysa balat at puwet!

Sobrang praning ako sa birthmark pero hindi naman nakita,” sabi pa ng aktor.

Streaming ang LiveScrean sa VivaMax Plus simula sa November 9.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jun Nardo

Check Also

17th PMPC Star Awards for Music

Walong personalidad tatanggap ng award sa 17TH PMPC Star Awards for Music

MATABILni John Fontanilla WALONG personalidad mula sa iba’t ibang larangan ang gagawaran ng special awards …

Sheena Halili Baby Family

Sheena excited sa ikatlong baby

MATABILni John Fontanilla MASAYANG-MASAYA ang Starstruck alumni na si Sheena Halili sa paglaki ng pamilya nila ni Jeron Manzanero, ang guwapo …

BJ Forbes Kara David

BJ Forbes na-depress, nawalan ng bahay

MA at PAni Rommel Placente SA interview sa kanya ni Kara David, naikuwento ng dating child …

Bayani Agbayani John Lloyd Cruz Ellen Adarna Rufa Mae Quinto

John Lloyd at Ellen bibida sa isang sitcom sa GMA

MA at PAni Rommel Placente IBINALITA ni Bayani Agbayani sa isang interview, na may gagawin siyang sitcom …

Isha Ponti

Isha Ponti walang itulak kabigin sa mga kanta sa Likas

HARD TALKni Pilar Mateo AUSPICIOUS day. A Palindrome 620206. At ika -20 taon ng kanyang …