Thursday , November 30 2023
San Jose del Monte CSJDM Police

Wanted person nakalawit sa Oplan Pagtugis

NAARESTO ng mga awtoridad ang isang lalaking pinaghahanap ng batas dahil sa nakabinbing kaso sa hukuman sa kanyang pinagtataguan sa lungsod ng San Jose del Monte, lalawigan ng Bulacan nitong Martes, 1 Nobyembre.

Kinilala ang suspek na si Jomar Marzan na nadakip ng mga operatiba ng CIDG Bulacan katuwang ang 1st PMFC, Bulacan PPO at San Jose del Monte CPS sa bisa ng Alias Warrant of Arrest na inilabas ni Presiding Judge Ma. Belen Ringpis Liban ng Malolos City RTC Branch 85.

Kaugnay ito sa mga kasong Slight Physical Injuries batay sa paglabag sa RA 7610 na kinakaharap ng akusado sa kanyang pinagtaguan hanggang maaresto sa nabanggit na lungsod.

Dinala si Marzan sa CIDG Bulacan PFU Office para sa interogasyon at nararapat na disposisyon. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

P1.8-M ilegal na droga nakompiska sa 2 araw na anti-drug ops sa CL

P1.8-M ilegal na droga nakompiska sa 2 araw na anti-drug ops sa CL

SA MAAGAP at walang humpay na pagsisikap na labanan ang mga aktibidad ng ilegal na …

Bulacan Police PNP

Mga durugista at nagtatagong kriminal sa Bulacan arestado

PITONG durugista na nagbebenta rin ng droga, at tatlong kriminal na nagtatago sa batas ang …

dead gun police

63-anyos Taiwanese binaril, patay

SAN PABLO CPS – IsangTaiwanese ang iniulat na binaril at napaslang sa San Pablo City, …

Valenzuela Dump Truck WMD

Vale-LGU nagbigay ng bagong dump truck sa WMD

PINANGUNAHAN ni Mayor Wes Gatchalian ang turnover ceremony at pagbabasbas ng bagong 38 dump trucks …

shabu drug arrest

2 tulak timbog sa P68-K shabu

SWAK sa rehas na bakal ang dalawang hinihinalang drug personalities matapos kumagat sa ikinasang buybust …