Tuesday , December 5 2023
JM de Guzman Donnalyn Bartolome

JM haling kay Donnalyn: Sobrang bait, responsible

MA at PA
ni Rommel Placente

MAY mga nagsasabi na may namumuong relasyon kina JM de Guzman at Donnalyn Bartolome matapos mag-organize ng surprise birthday party ang huli sa una.

Nagdiwang ng kaarawan si JM noong September 9. At noong October 5, ipinost ni JM ang mga larawang kuha sa okasyon, kalakip ng pasasalamat niya sa lahat ng mga dumalo, lalo na kay Donnalyn.

Pero sa panayam namin kay JM, sinabi niya na magkaibigan lang sila ni Donnalyn. Pero aminado siya na gusto niya ito at nagpaparamdam na siya rito.

“May gusto ako sa kanya. Isa niya akong tagahanga,” sabi ni JM.

Nanliligaw na ba siya kay Donnalyn?

“Nagpaparamdam,” pag-amin ni JM.

Mukhang may maaasahan naman si JM kay Donnalyn base na rin sa effort ng dalaga na paghandaan ang birthday ng Kapamilya actor.

Ganoon lang talaga siya, eh. Ganoon lang talaga.”\

Ano ba ang tunay na estado ng relasyon nila ni Donnalyn at paano sila nagkakilala?

“We’re very close friends. Nagkasama kami sa Probinsyano Partylist,” sagot ni JM.

Maraming magagandang katangian si Donnalyn kaya nagustuhan siya ng aktor.

“Sobrang bait, intelligent, sobrang headstrong, wise, responsable, and independent,” paglalarawan pa niya kay Donnalyn.

Samantala, may ginagawang serye ngayon si JM na Linlang mula sa Dreamscape ng ABS-CBN. Kasama niya rito ang Diamond Star na si Maricel Soriano gayundin sina Kim Chiu at Paulo Avelino.

“First time ko makakatrabaho si Paulo. Si Kim nagkasama na kami sa movie, sa teleserye first time. Si Ms. Maricel first time rin.”

Dahil Linlang ang title ng serye nina JM, kaya tinanong namin siya kung nalinlang na ba siya sa larangan ng pag-ibig?

“Oo naman,” pag-amin niya. “Siyempre ipapasa-Diyos mo na lang. Mahirap gumanti. Mahirap magtanim ng sama ng loob. Move on lang.”

Well, sino kaya sa mga naging girlfriend ni JM ang nanlinlang sa kanya?

About Rommel Placente

Check Also

Gillian Vicencio Karthryn Bernardo

Gillian inabsuwelto ni Kathryn

PUSH NA’YANni Ambet Nabus LAST three months ago pa namin nakapanayam sa Marites University podcast si Gillian Vicencio. …

Kathniel Kathryn Bernardo Daniel Padilla

KathNiel issue pag-uusapan pa hanggang 2024

PUSH NA’YANni Ambet Nabus USAPANG KathNiel pa rin ang mainit na topic sa bawat sulok ng bansa. …

Mallari Piolo Pascual

Mallari trailer pa lang nakahihilakbot na

PUSH NA’YANni Ambet Nabus THERE is really something in the movie Mallari na nakita ng Warner Bros. kaya pumayag …

Gillian Vicencio Daniel Padilla Karthryn Bernardo Kathniel

Gillian nakiusap ‘wag idamay sa hiwalayang KathNiel

I-FLEXni Jun Nardo IDINADAWIT ng ilang fans si Gillian Vicencio kaya nag-trending ang naging pahayag niya sa Marites …

Gladys Reyes Jhassy Busran

Jhassy nakatikim ng bagsik ni Gladys

I-FLEXni Jun Nardo PINATIKIM ng bagsik  ni Gladys Reyes ang baguhang si Jhassy Busran sa pagsasama nila sa pelikulang Unspoken …