Bida Next Eat Bulaga

Ilang celebrities laglag sa Bida The Next ng EB! 

I-FLEX
ni Jun Nardo

LAGLAG ang ilang may pangalang celebrities na nag-audition sa Bida The Next segment ng Eat Bulaga nang ipakilala ang napiling 17 (o 18?) out of 77 auditionees na pasok sa next round.

Pipiliin ang masuwerteng maging kasama sa EB Dabarkads. Eh hindi namin alam ang criteria ng pagpili kaya hindi na naming babasagin pa ang trip ng programa, huh!

Eh kapag Dabarkads ka, dapat multi-tasker ka. Hindi lang puwedeng kanta, sayaw o hosting ang talent mo. Kailangan marunong ka ring umarte at dapat may wit and humor ka rin.

Who knows, after Saturday, may surprise ang Bulaga sa nakapasa sa unang test, huh. Kaya may pag-asa pa sa hindi naipakilala last Saturday.