Wednesday , February 28 2024
Bianca Umali Ruru Madrid

Ruru at Bianca engage na?

RATED R
ni Rommel Gonzales

MARAMI ang kinilig sa magkahiwalay na post ng RuCa couple kamakailan na may parehong caption na, “I found the right one.” 

Nag-post si Bianca ng picture na nagpapakitang nakasuot siya ng singsing habang hawak ang kamay ni Ruru. Si Ruru naman ay nag-post ng photo ni Bianca mula sa kanilang South Korea trip. Akala tuloy ng marami ay engaged na ang dalawa.

Pero teaser pala ito sa upcoming project na pagbibidahan nila under GMA Public Affairs

Sa interview ni Aubrey Carampel sa 24 Oras nitong Martes, sinabi ni Bianca na old photo na ang kanyang ipi-nost. Ngayon lang siya nakahanap ng tamang oras para i-post ito.

It was really something personal na I’ve been keeping so sumakto ‘yung pagkakataon na it was pahapyaw sa mga tao,” she said.

First-ever team up nina Ruru at Bianca ang upcoming series na The Write One. Tampok sa serye ang second chances, love, at acceptance. Sa 2023 ito nakatakdang ipalabas.

Excited na si Ruru na makatrabaho si Bianca. “Nakukuwento niya lang sa akin kung paano siya mag-work but this time, makikita ko,” say ng Running Man Philippines mainstay.

Ipinaliwanag naman ni Bianca ang kuwento sa likod ng suot niyang singsing sa kanyang post. 

Yung pinakababa, ‘yung may diamond tear-shape, it’s a ring that really came from Ruru. The second one, makikita n’yo ‘yung rings na may sapphires, ‘yung blue diamond, that was the ring that I got for myself last year. Ang gintong singsing na may maliit na brilyante ay engagement ring ng nanay ko noon. ‘Yun ‘yung nagsi-symbolize ng hope para sa akin na she’s with me,” ayon kay Bianca na napapanood tuwing Linggo sa All-Out Sundays.

Talaga namang exciting ang pagsasamang ito ng RuCa. Aabangan ito tiyak ng kanilang fans. 

About Rommel Gonzales

Check Also

Jo Berry Lilet Matias Attorney At Law

Jo Berry pangarap ng amang maging abogado natupad

RATED Rni Rommel Gonzales LITERAL na napaluha kami habang nagbabalik-tanaw si Jo Berry sa napakasaklap na karanasan …

Dominic Roque Bea Alonzo

Hiwalayang Bea at Dominic pinagma-maritesan ng mga socialite

COOL JOE!ni Joe Barrameda HANGGANG ngayon ay palaisipan pa rin sa mga netizen ang biglang …

Jo Berry

Jo Berry kabado seryeng papalitan napakataas ng ratings

COOL JOE!ni Joe Barrameda  MATAGAL din nawala Si Jo Berry bago nabigyan ulit ng project sa GMA. Bago …

Angelica Jones Angelo

Angelica Jones sumangguni na sa abogado, ama ng anak idedemanda

NANGINGILID ang luhang ibinahagi ni Angelica Jones na tuloy ang laban sa tatay ng kanyang anak. Sa …

Luke Mejares

Luke Mejares kaliwa’t kanan ang gigs

MATABILni John Fontanilla BUSY as a  bee ang mahusay na singer & composer na si Luke Mejares dahil …