Friday , December 9 2022
Nadine Lustre

Nadine sa tumawag ng matanda at tuyot: At least ‘di kasing dumi ng ugali mo

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

BINUWELTAHAN at hindi pinalampas ni Nadine Lustre ang mga basher na maya’t maya ay walang ginawa kundi ang laitin siya.

Sa totoo lang, isa si Nadine sa madalas mabiktima ng body shaming at hate comments ng netizens sa social media.  Tulad na lang ng komento sa isa niyang litrato sa Twitter na sinabing ibang-iba ang itsura niya ngayon kompara noong magka-loveteam pa sila ni James Reid.

Anang netizen, nagmukha siyang matanda at na tuyot. Hindi ito pinalampas ng aktres at sinagot ng, “I find it so weird when people say I’ve changed and I look older. What? Were you expecting me to be the same person when I was 21? I’m turning 29 next week,” ani Nadine.

Isang netizen ang nag-retweet sa post ni Nadine at nagkomento ng, “Gurl ang dumi at dry kasi ng balat mo kay mukha kang matanda.” 

Supalpal na sagot ni Nadine, “At least di kasing dumi ng ugali mo.”  

Narito naman ang ilan sa reaksiyon ng netizens dito.

“Nadine girl @hello_nadine make it as a “constructive criticism” to improve more of the beauty u already have. And focus on the good things like yor MMFF Movie DELETER which is a big blessing. We U.”

“If there is one thing about you that will always stay the same is YOU BEING ICONIC.”

“Exactly!!! Plus actually when you do not have make up you look like a teenager, i guess there are still some that are having a hard time accepting that you are an explorer when it comes to your make up&fashion and of course there are those who are just plain haters so never mind!”

“Seriously? 29? but you look like 21 well people will get older that’s reality but you know what your inner beauty and pure heart doesn’t change since you was born! I love you Miss Nads! You are the epitome of beauty to me.”

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

vhong navarro tanya bautista

Tanya masayang-masaya sa pansamantalang paglaya ni Vhong

MA at PAni Rommel Placente MASAYA kami para kay Vhong Navarro para sa pansamantala nitong kalayaan. Nitong …

Bea Alonzo Magpakailanman MPK

Bea sa MPK — ‘di lang takutan, it’s very heartbreaking

RATED Rni Rommel Gonzales BIBIDA si Bea Alonzo sa isang special episode ng ika-20 anibersaryo ng Magpakailanman sa Sabado. …

Jeric Gonzales Broken Blooms Louie Ignacio

Jeric at pinagbibidahang pelikula humakot ng award 

BAGO pa man ipalabas dito sa Pilipinas ang Broken Blooms, humakot na ito ng awards mula …

Imee Marcos Atang Paris

Sen. Imee nagritwal ng Atang sa Paris!

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio DADALHIN ni Senadora Imee Marcos ang kanyang vlog followers sa …

Alfred Vargas

Alfred Vargas, passion ang showbiz at paglilingkod sa bayan

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAKATATLONG termino bilang congressman ng District 5 ng Quezon City …