Monday , December 5 2022
Patricia Galang Maya Doria The Pretty You

The Pretty You owners bilib kina Maricel at Marian

MA at PA
ni Rommel Placente

ANG magkaibigan since high school days na sina Atty. Patricia Galang at Maya Doria ay nag-venture sa business. Ito ay ang The Pretty You, na isang beauty, cosmetic and personal care. Matatagpuan ito sa #4 2nd St.Crame, Quezon City.

Affordable lahat ng services dito, pang-masa ‘ika nga. At isa na rito ang celebrity facial.

Ayon kay PG (tawag kay Atty. Patricia) kakaiba ang kanilang celebrity facial kompara sa ibang facial services.

Sabi niya, “Kasi ang dami niya nang kasama, from cleansing, extraction, tapos may collagen mask,may  collagen cream, vaccum, tapos may kasama pa siyang PDT which is the photo dynamic theraphy. Not all facials have that, huh! And for the price, mura lang siya, P999.”

Sabi naman ni Maya tungkol sa celebrity facial, “After they (clients) try the celebrity facial, kukuha sila ng VIP package right away, kasi sulit. For 12 sessions, they can only pay P3,000 and for any other services, 10% off.

“Maganda ka na the whole year,” sundot pa ni Maya.

Since The Pretty You ang pangalan ng kanilang skin clinic, sino ba para sa kanila ang masasabing pretty?

“Si Marian Rivera,” sagot ni Maya.

“Ang idol ko na lang noong bata ako, si Maricel Soriano. I have seen Maricel in person, grabe, napakalinis na babae. Kahit sa kuko, napakalinis. Metikulosa sa kanyang personal hygiene,” sagot naman ni PG.

Karamihan sa magkakaibigan na nag-parnter sa business ay nag-aaway pagtagal. Kaya sinasabi nga na hindi dapat magsama sa iisang business ang magkakaibigan para hindi masira ang kanilang friendship. Pero sa kaso nina Maya at PG, hindi naman daw ‘yun mangyayari sa kanila.

About Rommel Placente

Check Also

Maine Mendoza Arjo Atayde Lola Rose

Maine ipinakilala na ni Arjo kay Lola Rose

MA at PAni Rommel Placente LABIS ang saya at pasasalamat ni Sylvia Sanchez sa kanyang anak na …

Alice Dixson

Alice na-bash nang kinulayan ng honey blonde ang buhok  

MA at PAni Rommel Placente DAHIL sa pagpapakulay ni Alice Dixson ng honey blonde hair, bina-bash siya. …

Paolo Contis Yen Santos

Paolo happy at contented sa piling ni Yen

MA at PAni Rommel Placente SA kanyang Instagram account ay ibinahagi ni Lolit  Solis ang larawan nila ng kanyang …

Jessy Mendiola

Jessy nalulungkot ‘pag nakikitang lumalaki ang katawan

MA at PAni Rommel Placente INAMIN ni Jessy Mendiola na noong mga unang buwan ng kanyang pagdadalang-tao …

Mayor & Co

Mayor & Co suportado ang OPM songs

MATABILni John Fontanilla MAY bagong duo na tiyak mamahalin at susuportahan ng mga Pinoy na …