Thursday , December 8 2022
Marcos Mamay Gabby Concepcion Bongbong Marcos

Mayor Mamay, VP ng League of Municipalities of the Phils., life story tatampukan ni Gabby Concepcion

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

ANG mayor ng Nunungan, Lanao del Norte na si Marcos Mamay ay nahalal unanimously bilang League of Municipalities of the Philippines (LMP) national vice president for external affairs noong Sept. 29 sa Metrotent Convention Center sa Pasig City.

Si Mayor Joseph Bernos ng La Paz, Abra ang nahalal bilang president. Ang bagong set ng LMP officers with a term from 2022 to 2025 ay nanumpa kay President Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., noong Sept. 30 sa Malacañang.

Maraming proyekto si mayor, isa na rito ang i-promote ang turismo, nabanggit niyang kailangan na kasabay nitong maayos ang peace and order. Proud naman niyang nabanggit na stable ang peace and order sa kanyang nasasakupan.

Nalaman namin na siya rin ang Executive Adviser ng Actor’s Guild of the Philippines.

Pahayag ni Mayor Mamay, “Ako naman hindi naman sa pagyayabang, as an Executive Adviser of Actor’s Guild of the Philippines, advantage sa akin iyan. Kasi from time to time ay dinadala ko ang mga artista roon sa amin, kaya kahit paano naipo-promote rin kung ano ang mayroon kami, like sina Ken Chan, Teejay Marquez, Ahron Villena at iba pa.

“Yes, puwede naming i-offer sa mga gumagawa ng pelikula itong Lanao.”

Kaabang-abang ang gagawing life story ng masipag na public servant na planong pamahalaan ni Direk Neal Buboy Tan.

Wika ni Mayor Mamay, “Magpo-produce po tayo ng two or three movies. In fact, uunahin namin iyong title na Lanao, that is partly… parang life story ko po ito. Doon po isu-shoot iyan, karamihan ay sa Nunungan, Lanao del Norte.

“Isa po sa nakikita naming gaganap dito ay si Gabby Concepcion, with Sanya Lopez, si Ken Chan din, at iba pa.”

May special participation ba siya sa pelikulang tatampukan ni Gabby?

“Possible po,” nakangiting pakli ni Mayor Mamay.

Ang isa pang posibleng gawing pelikula ni Mayor Mamay ay ang tatampukan ng kaibigan niyang si Senator Robin Padilla.

About Nonie Nicasio

Check Also

Toni Gonzaga Joey de Leon Paul Soriano

Direk Paul sa pakikipag-trabaho kay Joey — Once in a lifetime opportunity

MA at PAni Rommel Placente ISA ang My Teacher mula sa TEN17P at TINCAN sa official entry sa darating na Metro Manila …

Wally Bayola Richard Yap Jillian Ward

Wally fan ng serye nina Richard at Jillian

I-FLEXni Jun Nardo FANATIC viewer din pala si Wally Bayola ng Kapuso afternoon show na Abot Kamay Na Pangarap na napapanood …

Paolo Contis Yen Santos Lolit Solis

Relasyon nina Paolo at Yen ibinuking ni Lolit 

I-FLEXni Jun Nardo TULUYAN nang ibinisto ni Manay Lolit Solis na ang aktres na si Yen Santos ang lucky …

Blind Item, Mystery Man, male star

Designer nagbabala baho ni male starlet ibubunyag

ni Ed de Leon MATAPOS na mapadalhan  ng “supposed to be pamasahe” niya papunta sa …

Vhong Navarro Arrest NBI

P1-M piyansa pinayagan
VHONG PANSAMANTALANG MAKALALAYA

HATAWANni Ed de Leon MABILIS na kumilos ang legal team ni Vhong Navarro para maihanda ang itinakdang …