Friday , April 19 2024
Leila De Lima Bongbong Marcos

Nakaligtas sa hostage-taking
DE LIMA SINABING NAIS KAUSAPIN NG PANGULO 

NAIS kausapinni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si  dating senador Leila de Lima upang alamin ang kanyang kalagayan matapos i-hostage ng isa sa tatlong detenido na nagtangkang tumakas mula sa PNP Custodial Center sa Camp Crame, kahapon ng umaga.

“Following this morning’s incident at Camp Crame, I will be speaking to Senator De Lima to check on her condition and to ask if she wishes to be transferred to another detention center,” ayon kay FM Jr., sa paskil sa Twitter.

Batay sa ulat ng Philippine National Police, ang tatlong detenidong miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) ay kinilalang sina Arnel Cabintoy, Idang Susukan, at Feliciano Sulayao — ang napatay nang i-hostage sina P/Cpl. Roger Agustin at De Lima.

Napatay ang mga suspek ng mga nagrespondeng operatiba.

Kaugnay nito, nagpasalamat si De Lima sa mga nagpahayag ng pagmamalasakit sa naranasan niyang hostage-taking incident.

“I am grateful to all who expressed concern for my well-being in the aftermath of the surreal hostage-taking incident that happened this Sunday morning,” ani De Lima sa isang kalatas.

Giit ni De Lima, natiis na niya ang mahigit limang taong “unjust detention” ngunit hindi niya akalain na makaliligtas  pa siya sa pangho-hostage ng isang kapwa detenido, sinabing isang ASG member, na desperadong maipabatid ang kanilang mga hinaing sa publiko.

“I have already endured more than five years of unjust detention inside the PNP Custodial Center. It was therefore farthest from my mind that on top of this ordeal, I also had to survive the knife of a fellow detainee (reportedly an Abu Sayyaf member) who took me hostage in a desperate attempt to make known their grievances to the public,” ani De Lima.

“After being told by the hostage-taker that since his two other companions were already dead, he might just as well also kill me, I consider what happened to me as a near-death experience. If not for the timely intervention of the PNP security force, I don’t think I would have come out alive since the hostage-taker was already determined to die and take me with him,” dagdag niya.

Kahit siya’y ligtas na, maliban sa sakit sa dibdib dulot ng itinutok na patalim sa kanya ng hostage-taker, hiniling ni De Lima na ipanalanging makaligtas ang pulis na kritikal sa pananaksak ng mga hostage-taker.

“I am now safe and sound except for the lingering pain on my chest where the hostage-taker pressed the point of his knife while holding me hostage. Please also pray for the injured police officer who, like me, was the other but more unfortunate victim of this incident. While I have survived with only a knife mark and some considerable distress, he is still fighting for his life. Let us all pray for his quick recovery.

“While I am still trying to recover psychologically and emotionally from this harrowing experience, I am sure of one thing that I learned from it. Being so near death has only made me value life even more.

“Thank you for all your prayers. Most of all, I thank the Lord for being by my side during those terrible moments, and for saving my life today,” anang dating senadora.

Nahaharap si De Lima sa dalawang drug cases na isinampa laban sa kanyang ng administrasyong Duterte. (ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Bong Revilla, Jr

Revilla tuloy ang serbisyo-publiko sa kabila ng aksidente

“SALAMAT sa mga nag-aalala kung ano ang nangyari sa akin, pero nasa mabuti na akong …

Lobo Batangas

Sa Batangas 
PAGLAGANAP NG ILEGAL NA SUGAL SA LOBO IKINABAHALA NG BUSINESSMEN

LUBOS na nababahala ang grupo ng mga negosyanteng kinabibilangan ni Efren Ramirez sa isyu ng …

Bong Revilla Jr Maynilad sinkhole

Maynilad panagutin sa sinkhole — Revilla

“DAPAT managot ang Maynilad at kanilang mga kontraktor.”                Ito ang ipinahayag ni Sen. Ramon …

BUCAA Bulacan Daniel Fernando

Sa Liga ng Palarong Basketball ng BUCAA  
MAGLARO NANG MAY PUSO — GOV. DANIEL FERNANDO

“MAGLARO kayo nang may puso. Ipakita ninyo ang pagmamahal ninyo sa sports. Tandaan ninyo, ang …

shabu drug arrest

Sa Caloocan
PINTOR HULI SA P.1-M SHABU

IMBES pagpipinta ng bahay, pumasok sa ‘drug trade’ ang isang house painter pero ‘minalas’ na …