Wednesday , May 29 2024
Jos Garcia Cleaning Mama's Natasha

Jos Garcia image model ng Cleaning Mama’s by Natasha Business

MATABIL
ni John Fontanilla

MASAYANG-MASAYA ang Japan based Pinay International singer na si Jos Garcia na napiling image model ng Cleaning Mama’s by Natasha Business.

Post nga ni Jos sa kanyang Facebook account, “Masarap ang pakiramdam kung malinis ang tahanan, liliwanag ang inyong paligid sa Cleaning Mamas.

Simula sa araw na ito… ako ang inyong Cleaning Mama’s, samahan ninyo ako sa araw-araw nating pakikibaka sa inyong mga bahay at kusina.

“Subaybayan ninyo ang aking kuwento sa mga social media accounts ng Cleaning Mamas (exclusively distributed by Natasha Business).

“Antabayanan ninyo ang aking mga palaro at pakulo kasama ang ating bagong bida sa bahay at kusina, ang Cleaning Mama’s.”

Ilan sa produkto ng Cleaning Mama’s na ineendoso ni Jos ay ang Antibacterial Diswashing Liquid, Fabcon Serenity, Fabcon Fresh, Fabcon Allure, Pet Shampoo atbp..

Base sa mga litrato nito na kuha sa pictorial ng Cleaning Mama’s, mistulang mistulang super hero sa kanyang outfit.

Bukod sa abala ito sa pagpo-promote ng Cleaning Mama’s at busy din ito sa promotion ng kanyang bagong single na Namimiss Ko Na.

About John Fontanilla

Check Also

SSS, Bocaue LGU lumagda sa MOA para sa social security coverage ng JO workers

SSS, Bocaue LGU lumagda sa MOA para sa social security coverage ng JO workers

IPINAHAYAG ng Social Security System (SSS) na mahigit 800 job order (JO) na manggagawa sa …

Angel Guardian Running Man PH

Angel ‘di na habol manalo, mas gustong mag-enjoy bilang runner

RATED Rni Rommel Gonzales ULTIMATE Runner sa Season 1 ng Running Man Philippines si Angel Guardian kaya natanong ito …

Aica Veloso Kulong

Aica nais kumawala karanasan sa isang kapitbahay

RATED Rni Rommel Gonzales NAGBAHAGI ng kanyang mapait na karanasan ang Vivamax female star na si Aica Veloso nang …

Paolo Ballesteros Kira

Paolo hinangaan pag-e-escort sa prom ng anak

MATABILni John Fontanilla SINALUDUHAN at pinuri ng netizens ang Eat Bulaga host na si Paolo Ballesteros nang mag-escort ito …

Kathryn Bernardo FAMAS

Kathryn nasungkit 1st FAMAS Best Actress award

MA at PAni Rommel Placente SI Kathryn Bernardo naman ang wagi bilang Best Actress para sa mahusay …