Winwyn Marquez

Fiance ni Winwyn nasa ‘dilim’ pa rin

I-FLEX
ni Jun Nardo

BININYAGAN na ang anak ng Kapuso actress na si Winwyn Marquez na Luna Teresita ang name  nitong nakaraang mga araw.

Mula sa kanyang non showbiz fiancé ang anak ni Win.

Ilan sa celebrity  ninongs ay sian Ben Chan, Enzo Pineda, at Rodjun Cruz na kanya-kanya post sa kanilang Instagram sa event.

Pero hanggang ngayon eh nasa dilim pa rin ang partner at ama ng anak ni Winwyn, huh! Never kasing nakita maski isang photo niya.