Wednesday , February 28 2024
Xian Lim Kim Chiu

Kim umamin: kasal pinag-uusapan na nila ni Xian 

MA at PA
ni Rommel Placente

SA interview ni Kim Chiu saPep.ph, sinabi niya na napapag-usapan na nila ng boyfriend na si Xian Lim ang kasal. 

Sabi ni Kim, “Napag-uusapan naman namin iyan, basta abangan ninyo na lang.

“Ano pa lang naman kami, 30, 31 years old. Sa day and age sa ngayon masyado pang maaga ‘yun.”

Sigurado si Kim na ang longtime boyfriend na si Xian na ang kanyang Mr. Right, na title ng kanyang kanta.

“Mr. Right naman talaga siya. ‘Di naman niya pinapasakit ang ulo ko.

“Xian is very loyal. Kahit iharap mo siya sa lahat ng girls, parang ako pa rin ang maganda,” kompiyansang sabi ng dalaga.

Si Kim ay nananatiling Kapamilya while si Xian ay lumipat na sa pangangalaga ng Viva Artists Agency at napapanood na sa GMA-7.

Sa tanong kay Kim kung anong advantages at disadvantages na nasa magka-iba silang managament ng boyfriend, sagot ng dalaga, “Wala naman. We are both doing our projects individually, separately.

“I think part din ito ng pag-grow namin kung ano ‘yung choice namin in life.”

About Rommel Placente

Check Also

Maricar dela Fuente

Maricar dela Fuente happy sa takbo ng career, wish maging active ulit sa showbiz

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MASAYA si Maricar dela Fuente sa mga dumarating sa kanyang …

Jo Berry Lilet Matias Attorney At Law

Jo Berry pangarap ng amang maging abogado natupad

RATED Rni Rommel Gonzales LITERAL na napaluha kami habang nagbabalik-tanaw si Jo Berry sa napakasaklap na karanasan …

Dominic Roque Bea Alonzo

Hiwalayang Bea at Dominic pinagma-maritesan ng mga socialite

COOL JOE!ni Joe Barrameda HANGGANG ngayon ay palaisipan pa rin sa mga netizen ang biglang …

Jo Berry

Jo Berry kabado seryeng papalitan napakataas ng ratings

COOL JOE!ni Joe Barrameda  MATAGAL din nawala Si Jo Berry bago nabigyan ulit ng project sa GMA. Bago …

Angelica Jones Angelo

Angelica Jones sumangguni na sa abogado, ama ng anak idedemanda

NANGINGILID ang luhang ibinahagi ni Angelica Jones na tuloy ang laban sa tatay ng kanyang anak. Sa …