Wednesday , February 21 2024
Pedro Bravo Maria Cecilia Bravo Wedding Kasal

Kasal nina Pedro at Maria Cecilia Bravo mala-wedding of the year

ni John Fontanilla

NAPAKA-ENGRANDE at maitututing na wedding of the year ang renewal of vows ng mag-asawang negosyante na sina Pedro at Maria Cecilia Bravo ng Intele Builders and Development Corporations na ginanap noong September 22 sa Sanctuario De San Jose, Las Casas Filipinas de Acuzar, Bagac Bataan. 

Ang kasal na may temang Filipiniana ay dinaluhan ng may 400 katao mula sa kanilang pamilya, empleado,, at malalapit na kaibigan na ang iba ay galing pa sa ibang bansa.

Ang kanilang Entourage ay binubuo nina Rev. Alexander Muana-Pari; Hazel  Amante– magulang; Hon. Rodel Dela CruzEngr. Lunio Sina, Benjamin Montenegro, Erlinda Sanchez, Leota Saldana, Aurora Apuada—mga ninong at ninang; Isagani Acuesa, Raoul Barbosa, Catherine Sicam, Maria Cristina Williams—Bestman at Matron of Honor;  Jeru Bravo, Anthony Serrano,Edwin Salazar, Christian Tria, Ralph John Pascual, Karen Galve, Mariel Serrano,Maricel Salazar, Daphne Tria, Anna Lizza Pascual—Groomsman and Bridesmaids

Kasama rin sina Mathew Bravo at Margarette Salazar—Candle;  Miguel Bravo at Jhoanna Bucas—Veil; Atty. Christian Ryan Corbe at Maricris Bravo—Cord; Mark Lua at Michael Angelo Luna—Ring Bearers; Gerard Seranno—Bible Bearer; Dylan Pascual—Coin Bearer; Eliana Camille Tria at Margarette Alfonso—Flower Girls.

Umawit naman sa kasal nila ang dating vocalist ng After Image na si Wency CornejoIma Castro, at ang Timeless Diva na si Dulce.

Isinagawa naman ang grand fiesta reception sa Plaza Belmonte ng Las Casas na muling naghandog ng kanilang awitin sina Ima at Dulce gayundin ng Japan Pinay International singer na si Jos Garcia. Naghandog naman ng isang wedding dance sina Benjamin Montenegro at Xiantell samantalang si John Nite na nagsilbing host.

Pagkatapos ng kasal, nag-celebrate naman kinagabihan ng kanyang 70th birthday  si Don Pedro na ginanap sa Hotel de Oriente ng Las Casas na may temang 70’s na nagsimula sa isang bonggang fireworks display with Pyro dancer Alab  Poi at sinundan ng live performances ng La Familia Band, Wency and his Band, Gigi De Lana, at Joey Generoso ng Side A Band.

About John Fontanilla

Check Also

Allen Dizon

Allen sa mga best actor trophy: Priceless ‘yun

NAGING usap-usapan ang pagbebenta nI Jiro Manio ng kanyang 2004 Gawad Urian Best Actor trophy na natanggap para sa …

Teejay Marquez Beauty Gonzales Kelvin Miranda

Teejay klik na sa ‘Pinas

MA at PAni Rommel Placente ISA si Teejay Marquez sa cast ng pelikulang After All na pinagbibidahan nina Kelvin Miranda at Beauty …

Ryza Mae Dizon Enrique Gil

Ryza Mae nawindang sa halik ni Enrique

I-FLEXni Jun Nardo GRABE rin ang naging kilig ni Ryza Mae Dizon nang maging contestant  si Enrique Gil sa …

Maris Racal Rivermaya

Maris Racal umeksena sa concert ng Rivermaya: Rico My Oppa!

I-FLEXni Jun Nardo KINABOG ni Maris Racal ang lahat ng nanood ng reunion concert ng bandang Rivermaya nitong nakaraang …

marriage wedding ring

Magkakarelasyong bakla ‘di tamang bigyan ng bendisyon sa simbahan

ni Ed de Leon DITO sa showbusiness marami kaming nakakasamang bakla sa aming trabaho. Ok …