Thursday , June 4 2026
Jeric Gonzales

Star Up PH malaking break kay Jeric

COOL JOE!
ni Joe Barrameda

ISANG malaking break ang ibinigay at suporta ng GMA sa alaga naming si Jeric Gonzales bilang isa sa lead star ng Start Up PH na ngayon ay tinututukan ng mga Kapuso televiewer kaya maganda ang ratings. 

Umpisa pa lang ay inabangan na ito ng iba’t ibang fans club ni Jeric kasama ang mga fan nina Alden Richards, Bea Alonzo, at Yasmien Kurdi. 

Ito na ang hudyat na magiging isa sa mga important star si Jeric ng GMA matapos ang matagumpay na Magkaagaw na sinubaybayan din ng mga nakararaming Kapuso televiewers. 

Matagal napabayaan si Jeric ng mga namamahala sa kanya noon kaya nito lang siya namamayagpag. Noon ay kung ano-ano lang ang role na ibinibigay sa kanya at kaya na-challenge ang aktor para pagbutihin at ipakita ang kakayahan niya bilang aktor at mapasaya ang mga fan na never siyang iniwan ng mga fan na nabuo noong Protegee days pa niya. 

Natutuwa naman kami at proud sa dalawa naming alaga na sina Jeric at Ruru Madrid na parehong galing sa Protegee. Kaya ipagpatuloy ninyo ‘yan Jeric at Ruru hanggang marating ninyo ang rurok ng tagumpay.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Joe Barrameda

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …