Saturday , July 27 2024
Donita Rose Ferson Palad

Donita Rose ikinasal na sa long time boyfriend 

MATABIL
ni John Fontanilla

IKINASAL na ang aktres at former MTV Asia VJ na si Donita Rose sa kanyang  long-time boyfriend na si Ferson Palad sa San Clemente, California USA.

Ibinahagi ni Donita sa kanyang Instagram ang ilan sa mga picture na kuha sa kanilang wedding na dinaluhan  ng kanyang pamilya at malalapit na kaibigan kabilang ang anak na si Joshua Paul na may caption na, “Surely your goodness and unfailing love will follow me all the days of my life, and I will dwell in the house of the LORD forever.” 

Kitang-kita kay Donita ang labis-labis na kasiyahan sa piling ng kanyang asawang sI Ferson.

Pagkatapos ng ilang proyektong ginawa ng aktres sa bansa ay nagdesisyon itong bumalik ng Amerika para magtrabaho at manirahan doon at isa na itong Chef at ang kanyang asawa namang si Ferson ay isang singer.

About John Fontanilla

Check Also

Ruru Madrid Coco Martin

Ruru gagayahin si Coco magdidirehe at magpo-produce

RATED Rni Rommel Gonzales NADISKUBRE namin na may ambisyon pala si Ruru Madrid na maging isang producer. …

Binibining Pilipinas PlayTime Binibini

PlayTime sanib-puwersa sa 60th Binibining Pilipinas 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MALUGOD na inihayag ng PlayTime, ang mabilis na lumalagong 24/7 online …

Puregold Cinepanalo Film Festival 2025

2nd Puregold Cinepanalo mas pinalaki, mabibiyayaan ng grant dinagdagan

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio  MAS pinalaki, mas pinalawak. Ito tila ang gustong tahakin ng …

Quinn Carillo Christine Bermas Itan Rosales Kaskasero

Christine Bermas at Itan Rosales, unang nagkatikiman sa pelikulang Kaskasero

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio UNANG nagkasama sa isang project sina Christine Bermas at Itan …

Mark Anthony Fernandez Mariane Saint Carby Salvador

Mark Anthony bokya kay Mariane

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio HINDI issue kay Mark Anthony Fernandez kung nagpapakita siya ng skin sa …