Thursday , September 29 2022

JoRox ikinokompara sa John en Marsha

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

CLICK pa rin hanggang ngayon ang tambalang Joross Gamboa at Roxanne Guinoo-Yap . Patunay dito ang pag-alagwa at pamamayagpag ng iWantTFC original series na Hoy, Love You na ngayon ay nasa season 3 na.

Kapwa hindi inaasahan ng JoRox na tatangkilikin muli ang kanilang balik-tambalan.Kaya naman hindi maiwasang ikompara at sabihing sila ang bagong John en Marsha ng tambalan nina Dolphy at Nida Blanca.

Siyempre, pangmalakasang level ‘yun. Pero ime-make sure namin na tatatak din kami as JoRox. Privileged at advantage sa amin na ganoon. Pero siyempre, pressure ‘yun,” pag-amin ni Roxanne.

Sinabi pa ni Roxanne na, “Malaking factor talaga kapag original loveteam kayo. Kahit anong i-break sa inyo, kahit i-partner sa iba, mag-e-end up kayo pa rin. 

“‘Yung rapport, ‘yung chemistry, alam na namin ‘yung isa’t isa. Kahit may kanya-kanya na kaming pamilya, alam namin. Lagi  rin akong gina-guide nito. Minsan nga siya na nagdadala sa akin (Joross). Wala ng ilangan,” dagdag pa ni Roxanne.

Iginiit naman ni Joross na hindi lamang ang JoRox ang dahilan ng tagumpay ng Hoy, Love You. Bawat isa sa mga kasama nila na bumubuo sa serye ay may kanya-kanyang kontribusyon. 

Ang tinutukoy ni Joross ay sina Brenna Garcia, Aljon Mendoza, Yamyam Gucong, Hasna Cabral, Keanna Reeves, TJ Valderama, Dominic Ochoa, Pepe Herrera, Ritz Azul, at Lou Veloso.

Ang maganda rito, hindi about JoRox ‘yung palabas. Kaming lahat dito. Kumbaga, ang bida rito is ‘yung istorya na ikinukuwento ng ‘Hoy’ family,” sambit pa ni Joross.

Kaya sa pagbabalik ng JoRox three times the fun at kilig ang handog nila sa pag-welcome nila ng kanilang unang baby sa season 3 ng Hoy, Love You.

Mapapanood ito nang libre sa iWantTFC app (iOs and Android) at website (iwanttfc.com) sa Setyembre 30. Libre rin ang lahat ng episodes ng seasons 1 at 2 na available pa rin sa iWantTFC. 

Ang Hoy, Love You ay idinidirehe ni Theodore Boborol sa iWantTFC app (iOs at Android) o website (iwanttfc.com). Available rin ang serye sa premium subscribers sa labas ng Pilipinas. 

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Cristine Reyes

Cristine namali ng balanse tumama ang likod sa sahig

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio TATLONG beses nagpa-check-up ng likod sa isang espesyalista si Cristine Reyes dahil …

Lolit Solis Kris Aquino Josh BImby

Kahit may sakit din at nasa abroad
KRIS INALAM ANG MGA KAILANGAN NI MANAY LOLIT

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio KILALA si Kris Aquino sa pagiging matulungin kaya naman hindi na kami …

Xian Lim Genesis Gallios Vin Abrenica

Xian at Vin magbibigay-saya sa bday show ni Genesis

“CRUSH ko ‘yang si Xian. Si Vin naman alam mo naman ‘yung lalaking-lalaki, ang gwapo-gwapo, …

Ashley Aunor, PMPC Star Awards for Music

Ashley Aunor, inspirational ang latest single na Money Loves Me 

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio INUSISA namin ang talented na singer/songwriter na si Ashley Aunor kung …

Ava Mendez

Ava Mendez after maging sexy star, dream naman maging action star 

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISA si Ava Mendez sa limang naggagandahan at nagseseksihang babae na naging dyowa ni …