Friday , September 30 2022
Arjo Atayde Cattleya Killer

Cattleya Killer ni Arjo pasok sa Cannes

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

BAGAMAT kinuha na ng politika ang aktor na si Arjo Atayde, hindi pa rin siya nawawala sa showbiz. Kamakailan nabalitang pasok sa Cannes film festival ang upcoming thriller movie niyang Cattleya Killer. Ipi-present ito sa MIPCOM Cannes 2022.

Kaya naman ganoon na lamang ang kasiyahan ni Arjo. Ani Arjo sa kanyang Instagram stories, “Representing PH in mipcom Cannes festival for the first time. Man, I can’t even explain how grateful I am to be part of this.”

Ibinahagi naman ng kanyang fiance na si Maine Mendoza ang official movie poster nito gayundin ang kanyang inang si Sylvia Sanchez.

Ang ABS-CBN International Productions ang magre-represent ng newest series na Cattleya Killer sa mga delegado, buyers, at international press sa MIPCOM Cannes 2022.

Kaya naman may pagkakataong ma-meet ang Asian Academy Creative Awards 2022 Best Actor na si Arjo ng live kasama ang mga co-star niya at ang producer nitong si Ria Atayde gayundin ang ABS-CBN’s Head of International Production and Executive Producer na si Ruel S. Bayani.

Sa Cattleya Killer, gaganap dito si Arjo bilang serial killer na pumapatay sa mga unfaithful wife at nag-iiwan ng cattleya flower bilang signature.

Kabilang sa cast sina Christopher de Leon, Jake Cuenca, Zsa Zsa Padilla, Jane Oineza, Ricky Davao, Nonie Buencamino.

Magkakaroon ito ng special screening sa Oktubre 19, 10:45 a.m. sa Auditorium A Palais des Festivals, Cannes France.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Barbie Imperial Carlo Aquino Trina Candaza

Barbie sa bintang na dahilan ng hiwalayang Carlo-Trina: Parang ‘yung mga tao gigil na gigil maging kabit ako ‘no? 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio TILA nanggigigil si Barbie Imperial sa mga netizen na nagbibintang sa kanya …

Blind Item, Man Woman Fighting

Provincial tour’ ni male star buking ni GF aktres

ni Ed de Leon NA-SHOCK ang isang aktres nang malaman niyang ang kanyang boyfriend na male …

Vhong Navarro Ogie Diaz

Ogie ibinuking: Vhong dineadma ng isang kaibigan

MA at PAni Rommel Placente SABI nga, kapag ang isang tao ay gipit o may …

Polo Ravales

Polo sobrang naiyak nang tamaan ng Covid ang buong pamilya

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 27 ay 40th birthday ni Polo Ravales. Supposedly, magkakaroon siya ng …

Sean de Guzman

Sean nakapagpundar na ng bahay at lupa

REALITY BITESni Dominic Rea SA magkasunod na buwan ay dalawang International trophy ang nasungkit ni Sean …