COOL JOE!
ni Joe Barrameda
PILOT pa lang ay dinumog na ng mga televiewer ang The Running Man PH.
Noong hindi pa umeere ay marami na ang nagkainteres dito sa bagong show ng GMA. Kaya pagbibigyan muna ng atensyon ng GMA ang mga fan na nag-abang dito.
‘Yun nga bago mapanood ang cast member sa mga kuwelang missions, fans muna ang sasabak sa nakagu-good vibes na hamon.
Kaya handa na ang best moves at sumali sa TikTok dance challenge ng Running Man PH. Umindak at sabayan ang energy na hatid ng theme song ng programa. Huwag din kalimutang gamitin ang hashtag na #RMPhDanceChallenge para mapansin ang inyong talent sa pagsasayaw.
Kaya bisitahin lang ang official Instagram at Facebook accounts ng Running Man PH para sa buong mechanics.