Saturday , September 24 2022
Kris Aquino Bimby Josh

Kris posibleng maging 5 ang autoimmune disease: Opo pinakyaw ko na!

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

MARAMI ang nagulat nang makita ang bagong post na picture ni Kris Aquino sa kanyang Instagram account. Maganda at mamula-mula, nagkalaman na ito kompara sa huling post na picture na tila buto’t balat.

Kaya naman marami ang nasiyahan at natuwa kasama na kami sa magandang development kay Kris.

Agad pinusuan ang post ni Kris kasama ang mga anak na sina Joshua at Bimby at maraming positive comments.

Ang picture ng mag-iina ay may caption na, “I didn’t want to post until I had clarity about my health situation. Maraming salamat po because I know from my Ate & friends back home that many still continue to pray that I get better.

“Tomorrow morning (our time) rest muna my left arm because tatanggalin my PICC line.

“There have been times I wanted to give up-because of fatigue & being forever bedridden; the bruises all over my body that suddenly appear; my inability(since February) to tolerate solid food; headaches; bone deep pain in my spine, knees, joints in my fingers; and my constant flares esp. in my face that just keep getting worse…

“BUT I remind myself Kuya & Bimb still need me & mahiya naman ako sa lahat ng mga patuloy na nagdarasal para gumanda ang kalusugan ko if I just give up.

“I am grateful to be blessed to have the means for us to move to another state, and have more tests done & go to other specialists; and finally start my immunosuppressant therapy.

“I was warned that the safest form of chemotherapy (I don’t have cancer) that can be used for my autoimmune conditions will make me lose my hair. Hair will eventually grow back but permanently damaged organs won’t- so dedma muna sa vanity. Happy birthday @drkatcee.

“To our new friends & guardian angels in Houston our love & gratitude is forever. Thank you Ate Rey & Christina, as well as tita Marie…”

Nilinaw din ni Kris ang inihatid na balita ng kanyang kapatid na si Ballsy bago siya umalis ng bansa. Ito ay ang ukol sa nadagdag na autoimmune mula sa dating dalawa lamang bago umalis ng ‘Pinas.

Naguluhan si Ate during the zoom Q&A: to clarify we left the (emoji Philippin flag) I was already diagnosed with 3 autoimmune conditions. It was while here in Houston that I was diagnosed with a 4th. Unfortunately all my physical manifestations are pointing to a possible 5th- opo, pinakyaw ko na!

“Good night & God bless to all with #lovelovelove from Kuya, Bimb, and me,” aniya.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Editor at kolumnista ng Hataw bibigyang parangal sa 3rd Asian Business Excellence Awards 2022 

MATABILni John Fontanilla BIBIGYANG-PARANGAL ng Asian Business Excellence Awards ang ilang natatanging indibidwal mula sa iba’t ibang …

Ryza Cenon

Ryza tinalakan ang Maynilad (Water bill umabot ngP120k) 

MATABILni John Fontanilla SUPER shock si Ryza Cenon nang bumulaga sa kanya ang bill niya sa tubig …

Vhong Navarro Atty Alma Mallonga

Abogado ni Vhong nanindigan: ‘Di totoo ang bintang na rape

MA at PAni Rommel Placente SA panayam pa rin ng PEP.ph sa legal counsel ni Vhong Navarro na si Atty. …

Janice de Belen Inah Estrada Jake Vargas

Janice sa isyung buntis ang anak — Mahirap itago iyan dahil sa socmed

DEADMA lang si Janice de Belen tungkol sa kumakalat na tsismis na nabuntis umano ang anak niyang …

Bong Revilla Jr

Sen Bong mamimigay ng kotse, motorsiklo, laptop, at cash sa kanyang kaarawan

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio TIYAK na marami ang matutuwa sa espesyal na regalo ni Sen …