Rob Guinto

Rob Guinto handang ibalandra ang kariktan

MATABIL
ni John Fontanilla

PALABAN pagdating sa hubaran ang isa sa lead actress ng pelikulang Showroom ng 3:16 Events and Talent Management at Viva Films  na si Rob Guinto.

Ayon kay Rob basta kailangan sa eksena at ikagaganda ng pelikula handa siyang ibalandra ang kanyang kariktan.

Excited na nga itong makatrabaho ang controversial actor na si Kit Thompson na leadingman niya sa nasabing pelikula at si Emilio Garcia na first time nitong makakatrabaho.

Nagpapasalamat si Rob sa 3:16 ni Len Carillo na siyang producer ng Showroom dahil kinuha siya para maging isa sa lead actress ng pelikula along with Quinn Carillo na siyang script writer.

Makakasama nina Rob, Kit, Quinn, at Emilio sa Showroom sina Paolo Rivero, Marco, Itan atbpIto ay ididirehe ni Carlo Galen Obispo.