Sunday , October 2 2022
Laurice Guillen

Direk Laurice iginiit Apoy Sa Langit ‘di lang tungkol sa kaliwaan

RATED R
ni Rommel Gonzales

STILL on Apoy Sa Langit, may paglilinaw ang direktora ng naturang GMA drama series na si Ms. Laurice Guillen, hindi raw naman tungkol lang sa pangangaliwa o kabaitan ang kanilang top-rating drama series.

Actually itong Apoy Sa Langit hindi lang naman tungkol sa kaliwaan, eh. You know somewhere in the middle our ratings started to go up so, I guess not everybody who are watching now nakapanood talaga mula sa simula.

“Kung napanood mo mula sa simula hindi iyon ang simula ng istorya, hindi sa kaliwaan nagsimula. Nagsimula sa pamilya na there was a crime, na because of that crime ‘yung bata nagkaroon ng trauma, marami siyang mga blank spaces in her mind.

“Si Ning [Mikee Quintos] ‘yun paglaki.

“And then Gemma [Maricel Laxa] also the trauma na parang her way of coping with it was parang ayaw niyang, marami siyang dine-deadma sa buhay niya.     

“So hanggang sa noong pumasok ngayon ‘yung lalaki na kung kanino siya nain-love hindi nakabukas, hindi siya masyadong aware dahil marami rin siyang sinasara sa buhay niya para hindi niya makita, hindi niya nakita ‘yung nakikita ng iba.

“So ang mga tauhan dito sa tingin ko including si Stella [Lianne Valentin] na menor de edad pa noong sumama kay Cesar [Zoren Legaspi], so si Cesar naging kapatid, magulang, lover, friend, lahat.

“So it gives you different experiences, different types of experiences ng babae na siguro lahat tayo may nakilala tayo sa buhay natin na ganyan, kung hindi isa tayo roon sa mga tauhan na ‘yun ‘di ba?

“So akala natin doon na nagtapos dahil tungkol sa kaliwaan ang istorya, pero hindi tungkol doon ang istorya,” pagdidiin ni direk Laurice.

“There is a lot to look forward to, sana huwag tayong mag-stay lang dun sa conflict ng kaliwaan kasi hindi iyon ang buong istorya, mayroon talagang pinupuntahan na mas grabe. Malapit na ‘yun!”

About Rommel Gonzales

Check Also

Barbie Imperial Carlo Aquino Trina Candaza

Barbie sa bintang na dahilan ng hiwalayang Carlo-Trina: Parang ‘yung mga tao gigil na gigil maging kabit ako ‘no? 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio TILA nanggigigil si Barbie Imperial sa mga netizen na nagbibintang sa kanya …

Blind Item, Man Woman Fighting

Provincial tour’ ni male star buking ni GF aktres

ni Ed de Leon NA-SHOCK ang isang aktres nang malaman niyang ang kanyang boyfriend na male …

Vhong Navarro Ogie Diaz

Ogie ibinuking: Vhong dineadma ng isang kaibigan

MA at PAni Rommel Placente SABI nga, kapag ang isang tao ay gipit o may …

Polo Ravales

Polo sobrang naiyak nang tamaan ng Covid ang buong pamilya

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 27 ay 40th birthday ni Polo Ravales. Supposedly, magkakaroon siya ng …

Sean de Guzman

Sean nakapagpundar na ng bahay at lupa

REALITY BITESni Dominic Rea SA magkasunod na buwan ay dalawang International trophy ang nasungkit ni Sean …