Tuesday , September 27 2022
San Jose del Monte CSJDM Police

Sa San Jose del Monte, Bulacan 
DALAGITANG NAWAWALA NASAGIP MULA SA NOBYO

NASAGIP nitong Sabado, 27 Agosto, ng mga awtoridad ang isang menor de edad na babae mula sa kanyang nobyo sa lungsod ng San Jose del Monte, sa lalawigan ng Bulacan na naunang iniulat na nawawala.

Sa ulat mula kay P/Lt. Col. Cresenciano Cordero, Jr., hepe ng San Jose del Monte CPS, katuwang ang mga kawani ng City Social Welfare and Development Office, natagpuan ang dalagitang hindi pinangalanan sa bayan ng Cabuyao, lalawigan ng Laguna.

Sa pamamagitan ng social media, unang iniulat ang pagkawala ng dalagita na nagdulot ng labis na pag-aalala sa kanyang pamilya at maging sa netizens.

Sa maagap na pagkilos ng mga tauhan ng San Jose del Monte CPS ay natuklasang sumama ang dalagita sa kanyang nobyo sa Cabuyao, Laguna.

Mula Laguna, ligtas na nakuha ng mga awtoridad ang menor de edad saka ibinalik sa kanyang mga magulang sa San Jose del Monte.

Paalala ng mga awtoridad sa mga magulang, bantayan ang kani-kanilang mga anak at kilalanin ang mga nagiging kaibigan at mga nakakasalamuha, at makipag-ugnayan agad sa pulisya kung may mga nalalamang krimen. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

arrest posas

Miyembro ng kilabot na criminal gang nasakote

ARESTADO ang isang hinihinalang miyembro ng kilabot na criminal gang na nakatala bilang isang high …

Angat Dam

Sa kabila ng patuloy na pag-ulan…
TUBIG SA ANGAT DAM BUMABABA PA RIN

SA kabila ng patuloy na pag-ulan sa Metro Manila at mga karatig-lugar, patuloy na bumababa …

Bong Revilla Jr Lani Mercado

Sen Bong wala nang balak tumakbo sa mas mataas na posisyon

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio “SA kanila na ang posisyon!” Ito ang iginiit ni Sen Bong Revilla nang …

Sta Maria Bulacan

Sa Sta.Maria, Bulacan…
2 PUSAKAL NA TULAK NASAKOTE

NAGWAKAS ang maliligayang araw ng dalawang hinihinalang tulak na responsable sa pagkakalat ng ilegal na …

pinuno ng pamahalaan Bulacan

Matibay at umaayon sa pagbabago <br> MGA PINUNO NG BULACAN, NAGKAISA SA PAGRESOLBA NG MGA ISYU NG LALAWIGAN

SA isang pambihirang pagkakataon, nagsama-sama ang mga pinuno ng pamahalaan sa Bulacan sa pangunguna nina …