Wednesday , June 12 2024
AQ Prime AMBS2

AQ Prime gustong makipag-collab sa AMBS 2

MATABIL
ni John Fontanilla

NAGING matagumpay ang launching ng AQ Prime streamingapp na maghahatid ng magaganda, de kalidad, at makabuluhang pelikula.

Ayon kay Atty. Honey Quino, isa sa mga executive ng AQ Prime katuwang si AttyAldwin Alegre, hindi papatayin ng mga online streaming platforms ang mga sinehan dahil dagdag lang ito sa pagpapasigla ng pelikulang Filipino at pagbibigay trabaho sa ating mga kababayan.

Ipinakilala rin sa paglulunsad ang actor, producer, at negosyanteng si RS Francisco bilang Creative head ng AQ Prime na nagpahayag na napakarami pa ang dapat  aabangan sa AQ Prime streaming app.

Ang bagong mga pelikulang mapapanood sa AQ Prime streaming app ay ang Adonis X ni Alejandro “Bong” Ramos na pinagbibidahan nina Kristof Garcia, Kurt Kendrick, Mark McMahon, Grace Vargas, Jaycee Domincel, at Mia Aquino; Bingwit ni Neil “Buboy” Tan na  bida sina Krista Miller, Drei Arias, Conan King, Rob Sy, at Boogie CanareHuling Lamay ni Joven Tan na bida sina Marlo Mortel, Buboy Villar, Lou Veloso, Mira Aquino, Waki Cacho, at Aldwin Alegre; at La Traidora nina Brylle Mondejar, Joni McNab, OJ Arci, Ricardo Cepeda, Mia Aquino, Juan Calma, at Aldwin Alegre.

Ayon sa AQ Prime gusto nilang makipag-collaborate kay Willie Revillame para sa AMBS 2 Network ni Manny Villar na magsisimula na ang operasyon sa Oktubre. 

Maaari nang i-download sa Google Play at App Store ang AQ Prime app.

About John Fontanilla

Check Also

Migz Zubiri Pope Francis

Pope Francis binulungan si Migz: Protektahan ang pamilyang Filipino

“PINAKIUSAPAN ako ni Pope Francis to ‘protect the family,’ at isasapuso ko ang sinabi niyang …

Imelda Papin PCSO

Imelda Papin kompiyansang maraming matutulungan sa kanyang Isang Linggong Serbisyo

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio KAHAPON ang unang araw ng OPM icon at Jukebox Queen Imelda …

Grae Fernandez Pamilya Sagrado

Grae Fernandez walang kabang nakipagsalpukan kina Piolo, Tirso, at Mylene

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio HINDI agad namin nakilala si Grae Fernandez nang mapanood ito sa celebrity …

Lae Manego

Asia’s Queen of Fire Lae Manego may concert sa Pier 1 

MATABILni John Fontanilla MAGKAKAROON ng konsiyerto ang tinaguriang Asia’s Queen of Fire at International singer …

Elisse Joson McCoy de Leon

Elisse ipinagtanggol si McCoy: Don’t put him in a box, he’s a person not a label 

MATABILni John Fontanilla HINDI nagustuhan ni Elisse Joson ang pagma-marites sa kanya na umano’y cheater ang kanyang …