Tuesday , September 27 2022
shabu drug arrest

3 tulak huli sa buy-bust, p.1-M shabu nasamsam

NASABAT sa tatlong hinihinalang drug personalities ang mahigit P.1 milyon halaga ng shabu matapos matimbog sa isinagawang buy- bust operation sa Valenzuela City, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ni P/Lt. Doddie Aguirre, hepe ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Valenzuela police ang naarestong mga suspek bilang sina Manuel Cardenas, Jr., 49 anyos, ng M H Del Pilar St., Mabolo; Israel Pangan, 49 anyos; at Harry Bhong Maroto, 29 anyos, welder at  kapwa residente sa Brgy. Arkong Bato.

Sa ulat na isinumite ni P/Cpl. Glenn De Chavez kay Valenzuela police chief Col. Salvador Destura Jr., dakong 2:10 ng madaling araw nang magsagawa ang mga operatiba ng SDEU sa pangunguna ni P/Lt. Aguirre ng buy bust operation sa Buko St., Brgy., Balangkas. Nagawang makipagtransaksiyon ni P/SSgt. Arvin Lirag na umakto bilang poseur-buyer ng P500 halaga ng shabu kay Cardenas.

Matapos matanggap ang ‘pre-arranged signal’ mula sa poseur-buyer, hudyat na nakabili na siya ng shabu kay Cardenas ay agad lumapit ang back-up na mga operatiba saka inaresto ang suspek, kasama si Pangan at Maroto na nakuhaan rin ng tig-isang plastic sachet ng hinihinalang shabu.

Nakumpiska sa mga suspek ang pitong heat sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng halos 22 gramo ng hinihinalang shabu may standard drug price P149,600, marked money, P700 recovered money, 3 cellphones at coin pouch.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

arrest posas

Miyembro ng kilabot na criminal gang nasakote

ARESTADO ang isang hinihinalang miyembro ng kilabot na criminal gang na nakatala bilang isang high …

Angat Dam

Sa kabila ng patuloy na pag-ulan…
TUBIG SA ANGAT DAM BUMABABA PA RIN

SA kabila ng patuloy na pag-ulan sa Metro Manila at mga karatig-lugar, patuloy na bumababa …

Bong Revilla Jr Lani Mercado

Sen Bong wala nang balak tumakbo sa mas mataas na posisyon

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio “SA kanila na ang posisyon!” Ito ang iginiit ni Sen Bong Revilla nang …

Sta Maria Bulacan

Sa Sta.Maria, Bulacan…
2 PUSAKAL NA TULAK NASAKOTE

NAGWAKAS ang maliligayang araw ng dalawang hinihinalang tulak na responsable sa pagkakalat ng ilegal na …

pinuno ng pamahalaan Bulacan

Matibay at umaayon sa pagbabago <br> MGA PINUNO NG BULACAN, NAGKAISA SA PAGRESOLBA NG MGA ISYU NG LALAWIGAN

SA isang pambihirang pagkakataon, nagsama-sama ang mga pinuno ng pamahalaan sa Bulacan sa pangunguna nina …