Monday , June 24 2024
Josef Elizalde Cara Gonzales Ava Mendez Rob Guinto Kat Dovey Stephanie Raz Quinn Carrillo

Josef mangangabog, hari ng Vivamax

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

TIYAK na kaiinggitan ng mga barako si Josef Elizalde dahil anim ang leading lady niya sa Purificacion ng Vivamax. Ito’y sina Cara Gonzales, Rob Guinto, Kat Dovey, Stephanie Raz, Ava Mendez, at Quinn Carillo.

Pagtitiyak ni Josef, tiyak na ikagugulat ng manonood ng kanilang pelikula ang kung ano-anong mga pinaggagawa niya sa mga babaeng kasama niya sa pelikula.

Hindi naman itinanggi ni Josef na blessed siya na sa kanya ibinigay ng Viva ang Purificacion.

I’m so glad that Viva trusts me with this kind of project. I’m really just honored with the blessings that I’ve been getting these past few years, especially with Viva.

“In return, I only do my best so Viva will see that I’m really grateful for what they are giving me.

“Without hesitation. I accepted the project. The first thing Direk GB asked me to do was to cut my hair.  Work is work. When I arrived on the set, I go in there as my character and not as Josef.

“Through the years, nasanay na ako sa mga sinasabi nila about me. I just treat it as work. Once the director shouts ‘Cut,’ I return to my real self and departs from the character I play. Kahit anong religion ko siguro, I’ll still be doing sexy films,” giit ni Josef.

Sinabi pa ng sexy actor na, “I am happy where I am now and I’m very grateful for everything God has given me as His blessings. I start my day with a prayer and end it with a prayer also.”

Sa dami ng kapareha ni Josef sa Purificacion tila tama ang bansag sa kanya ni Marco Gumabao na siya ang king ng Vivamax. Kabog!

Napapanood na ngayon sa Vivamax ang Purificacion at sinabi ni Josef na huwag munang husgahan ang pelikula nila hangga’t hindi pa ito napapanood. Marami raw kasing aral na mapupulot sa bago niyang pelikula at hindi lang ito basta sexy-suspense-drama.

Tungkol sa isang misteryosong pari na maraming itinatagong lihim ang pelikula kaya naman asahan na nating gagawa rin ito ng ingay. 

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Zara Lopez Reece Sapphire

Zara Lopez sa kabila ng mga pagsubok may matibay pananalig sa Diyos, nakatutok sa mga anak na sina Reece at Sapphire

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio KAHIT dumating man ang maraming pagsubok at dagok sa buhay, …

E-Sim TNT

Pag-order ng E-Sim ng TNT mas pinadali at pinabilis

MAGANDANG balita sa mga TNT subscriber dahil mas pinadali nila ang paraan para maka-order ng e-SIM, ito’y …

BGYO

BGYO nagsampa cyberlibel at unjust vexation vs mga indibidwal na nagpapakalat ng fake news

MA at PAni Rommel Placente HINDI na nakapagpigil, nagsampa ng kasong cyberlibel at unjust vexation …

Gary Estrada Dina Bonnievie Bernadette Allyson Carmina Villarroel

Gary ini-stalk noon si Dina; magpapakamatay ‘pag ‘di pinansin 

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ni Gary Estrada sa Saturday morning show na Sarap, Di Ba? ng GMA …

The EDDYS Binibining Pilipinas

Binibining Pilipinas tinapatan The EDDYS

HATAWANni Ed de Leon ISIPIN ninyo, iyon daw coronation ng Binibining Pilipinas ay gaganapin din sa Hulyo …