Friday , August 12 2022
Dimples Romana Jake Cuenca

Dimples umaalagwa sa personal na buhay at karera 

HARD TALK
ni Pilar Mateo

KUNG may isang nilalang na karapat-dapat ulanin ng walang katapusang biyaya, ang aktres na si Dimples Romana na ito.

Kumbaga, patuloy lang na hinabaan nito ang kanyang pisi sa paghihintay for her time to shine.

Eto na nga. At hindi lang sa karera niya umalagwa si Dimples kundi maging sa personal niyang buhay.

Successful as a wife and a mother to now, three kids.

At sumusuporta sa pangarap ng mga ito. Pagpi-piloto ang napiling karera ng panganay na si Amanda Ahmee. At ibinahagi ni Dimples ang ginawang sorpresa sa pagbisita rito sa Land Down Under.

“SURPRISE Description: 🤧Description: 🥹Description: ♥️ Amanda Ahmee is my first born, my rock, my anchor Description: ⚓

“And ever since she left for college and stay here in Australia, I’ve been having bad homesickness from not seeing her plus terrible post partum blues pa. Boyet Ahmee knows this. Ganito din ako nun kay Alonzo. But he’s so good at handling my post partum blues for me…

“Pakiramdam ko kasi as mom, everything was happening all at once and I had to be stronger and tougher right away. My first born leaves for college and be in another country while I was also about to give birth to my third, huge movements within our family that left me terrified and vulnerable. 

“Tinanggap ko naman nang matagal bago kami magkikita ulit ni Ate. Kuya Alonzo is going to big school na, I was going to give birth to Elio and basically all the odds were against Callie and I being together and I, being there for her for her milestones here as a student pilot. But the Lord knows how my heart yearns to be with her. And He has heard my silent prayers. 

“Long story short, we have been waiting for Boyet to get his AUS visa Pero natatagalan and there’s really nothing we can do about it. Til early last week when we got a phone call that it was only MY visa that came out first. And Ate Callie was scheduled to have her first flying training sesh two days later. So we decided that I fly first, (but of course I cannot stay long, leaving na din in a few days for my boys) but ultimately we didn’t want Ate to feel that, just because a lot of things have been happening in Manila for our new family set up, that she wasn’t a priority anymore and that we can’t be there for her just the same way we’ve always been when she was little up until the time she left for college. 

“Ate din ako, panganay, at kadalasan even if I wanted to say I needed my family more , I won’t say it. Lagi ko kasing iniisip na Baka mas kailangan ng mga kapatid ko. Hindi pa mandin nagsasalita itong anak namin to. She’d rather keep it to herself that tell us she needs us. Napakabait. So here’s @papaboyetonline and I making sure that ALL our children, regardless of age, milestones and locations, would ever feel they’re any less valued than their other siblings. 

“Sacrifices have been made being away from each other, but all in all, as Ate Callie would say in every end of day, “thank you for TODAY” Description: ♥️

At ngayon ngang nakapagsilang na siya sa kanilang ikatlo ni Papa Boyet, aba! At sumeksing muli. Agad na tinanggap ni Dimples ang ididirehe ni Joel Lamangan na My Father, Myself sa 3:16 Media Networks ni Len Carillo and partners.

Isang kakaibang istorya na namang may panggulat na twist ang ibinunga ng malikot na imahinasyon na nagsimula nang makilala ngayon sa kanyang mga isinusulat na iskrip na si Quinn Carillo. Na pinuri sa sinulat niyang Tahan.

Nagsama kamakailan sa seryeng Viral Scandal sina Dimples at Jake Cuenca na magsasama sa pelikulang ito. With 3:16 Media Networks talents, Sean de Guzman and Tiffany Grey.

Gamay na nina Dimples at Jake ang isa’t isa at sa mga baguhang sina Sean at Tiffany sila nagugulat. Dahil sa nakikitang pagpupursige sa kanila.

Medyo nanginig nga sa hiya si Sean nang masabihan siyang parang si Coco Martin ng mga ito.

Ano na naman kaya ang sanga-sangang ilot ng buhay ng  mga karakter ang aabangan sa pelikula?

About Pilar Mateo

Check Also

Julie Anne San Jose, Rayver Cruz, Janine Gutierrez, Paulo Avelino

Rayver umamin nililigawan si Julie Anne

UMAMIN na ang Kapuso actor na si Rayver Cruz na nililigawan na niya ang Asia’s Limitless Star …

Blind Item Aktor hirap umupo TV Diretor

Baguhang male star naiskuran ni direk

ni Ed de Leon MATINO naman talaga nang pumasok sa showbusiness ang isang baguhang male star. …

Aga Muhlach

Happy birthday, Aga!

HATAWANni Ed de Leon ISIPIN ninyo, ngayong araw na ito, 53 years old na pala …

Lydia de Vega

Lydia de Vega ginupo rin ng cancer

HATAWANni Ed de Leon NAKALULUNGKOT ang mga balita nitong linggong ito. Naunang nabalita si Cherie Gil na …

Chloe Jenna Christine Bermas Milana Ikemoto

Chloe Jenna nahirapan makipaghalikan kay Christine 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MULING sumabak sa pagdidirehe ng sexy ang singer/aktor na si Jeffrey …