Monday , August 15 2022
Katips FAMAS

Katips: The Movie nakakuha ng 17 nominasyon sa FAMAS

MA at PA
ni Rommel Placente

SA 70TH FAMAS Awards Night  na gaganapin sa Linggo ay nakakuha rito ng 17 nominasyon ang pelikulang Katips:The Movie. 

Ang dalawa sa bida sa nasabing pelikula na sina Vince Tanada at Jerome Ponce ay naminado bilang Best Actor. 

Ang ilan pa sa nakuhang nominasyon ng Katips: The Movie ay Best Visual Effects, Best Sound, Best Original Song (Manhid-music by Pipo Cifra and Lyrics by Vince Tanada), Best Music Score, Best Editing, Best Production Design, Best Cinemetography, Best Screenplay, Best Supporting Actor (Mon Confiado and Johnrey Rivas), Best Supporting Actress (Adelle Ibarrientos Lim), Best Actress (Nicole Laurel Asensio), at Best Picture.

Siyempre pa, happy si Vince na napansin ng FAMAS ang ganda ng kanilang pelikula at silang mga nagsiganap.

Sa August 3 ang showing ng Katips: The Movie at makakasabay nito ang showing ng  Maid In Malacanang.

Ayon kay Vince, ang dalawang pelikula ay labanan between good and evil. At bahala na raw ang mga tao ang maghusga kung aling pelikula ang good at ang evil.

Ang tapang ni Vince para sabihin ‘yun, huh! Dahil obvious naman na ang gusto niyang iparating na ang pelikula nila ang good at evil ang pelikulang gawa ng Viva. Pero pinalakpakan siya sa lakas ng loob niya para sabihin ‘yun.

Dahil sa naging pahayag na ito ni Vince, hindi ba siya natatakot na ma-bash lalo na ng mga supporter ng mga Marcos?

Sagot niya, “Hindi naman nila ako kailangang i-bash kasi  hindi pa nila napapanood ‘yung pelikula, eh. Ang nakatatawa ‘pag sinabing about sa Martial  Law ‘yung pelikula, anti-BBM ka na. Panoorin muna at saka nila sabihin kung anti-BBM o anti-Marcos yung pelikula.”

“Kapag nakita nila, ‘Ay oo nga, anti-Marcos,’ doon sila magsimula mag-bash.

“Ang problema sa mga basher they are bashing without any basis. Kailangang may basehan muna o may konteksto na sinusunod bago sila mag-bash.”

Paliwanag pa ng award-winning actor at director, kung tungkol man sa Matial Law ang Katips: The Movie, hindi ibig sabihin nito na galit na sila sa mga Marcos.

About Rommel Placente

Check Also

Imee Marcos Maid in Malacanang

Maid in Malacanang patuloy na pinipilahan; Sen Imee tiyak ang pagtulong sa industriya

COOL JOE!ni Joe Barrameda TULOY-TULOY ang mga nanonood ng Maid In Malacanang na tumatabo sa takilya. Ang …

Arrah Garcia

Arrah Garcia, type maging kontrabida sa pelikula

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG newbie actress na si Arrah Garcia ay kabilang sa …

Sean de Guzman Cloe Barreto

Sean de Guzman, nagulo ang buhay dahil kay Cloe Barreto

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio LANGIT sa kama ang mararanasan ng isang lalaki kasama ang …

ABS-CBN TV5 MVP Mediaquest Mark Lopez Carlo Katigbak Jane Basas Al Panlilio

Pagsasanib ng ABS-CBN at TV5 pinalawak pa: Investment signing agreement sinelyuhan 

LEVEL-UP na ang pagsasanib-puwersa ng ABS-CBN at TV5 matapos ang naganap na contract signing para sa isa na namang …

Arnel Ignacio malacanan

Arnell itinalagang OWWA Administrator, pag-aartista ‘di iiwan

MA at PAni Rommel Placente BONGGA si Arnell Ignacio dahil may posisyon na ulit siya sa gobyerno, …