Derrick Monasterio Elle Villanueva Liezel Lopez

Derrick mangangabog tuwing hapon

I-FLEX
ni Jun Nardo

NAG-AAPOY sa init ang mga eksena nina Derrick Monasterio at baguhang si Elle Villanueva sa GMA afternoon series nilang Return To Paradise.

Pero ayon kay Elle, “Wala pa pong ligawang nangyayari sa amin. Maalaga lang po siya sa akin.”

Of course, magagamit ni Derrick ang borta niyang katawan sa bagong series dahil hubad kung hubad siya sa isang island na stranded sila ni Elle.

Kung sa  GMA primetime ay si Ruru Madrid ang madalas hubad sa Lolong, handa mangabog ni Derrick tuwing hapon.