Tuesday , August 9 2022
Christine Bermas

Christine napahagulgol matapos mapanood ang Scorpio Nights 3

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

TINIYAk ni Christine Bermas na may maipakikita pa siya sa mga gagawi pang pelikula kahit naipakita na niya lahat-lahat sa Scorpio Nights 3. 

Sa mediacon na isinagawa pagkatapos ng special screening noong Miyerkoles ng gabi ng Scorpio Nights 3, sinabi ni Christine na marami pa siyang maipakikita lalo sa pag-arte. Kailangan lamang niyang gumawa ng ibang genra na hindi lamang ukol sa paghuhubad.

“Mas gusto ko siguro more challenging roles pa, ‘yung ibang genra naman kasi nagawa na natin dito sa sexy. Gusto kong i-try ‘yung ibang genra sa acting tulad ng drama, action. Feeling ko kasi ibang way of acting sa iba’t ibang genra. Iba ang acting sa sexy, iba sa action, iba sa drama, iba sa comedy,” ani Christine.

Talaga namang wagi ang sinumang manonood ng Scorpio Nights 3 na palabas na simula ngayong araw, July 29 sa Vivamax dahil sa pagiging cam girl niya, nariyang nagpaligaya siya sa sarili at ang pinakamahirap ay ang pag-BJ niya kay Gold Aceron habang nakalawit ang ari niyon sa butas na sahig.

Si Gold ang engineering student na madalas siyang sinisilipan na nang malaman ni Christine ay lalo pa niyang inakit ang binata. Kaya naman n ang magkaroon ng pagkakataon sinipingan ni Gold si Christine habang natutulog. Simula noon, nagnanakaw na sila ng mga sandali kapag wala ang asawa ni Christine na si Mark Anthony Fernandez

Sa kabilang banda, naiyak naman si Christine matapos mapanood sa big screen ang kanyang pelikula. Aniya, “siguro dahil hindi ko alam kasi… kaya ko pa palang ilabas kung ano ang mayroon ako and na-appreciate ko po lahat ng mga tao (nanood) rito specially sa FamiLen (Len Carrillo, ang kanyang manager). 

“Super emotional ako kasi nag-start ako…aminado ako hindi ako mahusay. Nag-start ako as zero. Ang sarap pakinggan na ‘yung manager mo, family mo  sasabihan ka na proud sau. Kahit sino naman magiging emotional. Thank you so much, na-appreciate ko po iyon sobra,” na matapos sabihin ito’y lalo pang napahagulgol ang dalaga. 

Sa totoo lang, hindi lang naman kasi paghuhubad ang ipinakita ni Christine sa pelikula. Ipinakita rin niya ang husay sa pag-arte lalo na sa huling part. Kung gaano kagaling si Mark Anthony, tinapatan iyon ni Christine kaya kung manonood kayo, ‘wag na ‘wag ninyong palalampasin ang huling part ng pelikula.

Napakagaling at napaka-natural ni Christine. Kaya nga ang sabi ng karamihan,  parang hindi umaarte ang dalaga.

Kaya sa mga ibang Viva artists, kabahan na kayo dahil tiyak gigibain (pahiram Dondon Sermino) kayo ni Christine sa Scorpio Nights 3.

Sa kabilang banda inamin pa ni Christine na nanginig siya nang mapanood ang pelikula sa big screen. “Grabe hindi ko lubos na akalain, speechless ako sa mga nangyari. Thank you direk (Lawrence Fajardo) hindi rin naman kasi namin magagawa iyon kung hindi kami nai-guide ni direk. And sobrang sarap sa pakiramdam na makasama rito sa ‘Scorpio Nights 3’ and thank you direk and thank you sa nanay ko hindi ko rin magagawa ito kung hindi niya ako gina-guide at tinuturuan kung ano ang gagawin ko. Thank you nanay Len.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Cloe Barreto Sean de Guzman

Cloe Barreto, wild na wild sa pelikulang The Influencer

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio IPINAHAYAG ni Cloe Barreto na pinaka-daring na pelikula niya ang …

Tommie Mopia Gawad America award

US base entrepreneur/producer Tommie Mopia Gawad America awardee

RATED Rni Rommel Gonzales IPINANGANAK at lumaki sa Pilipinas, sa Iloilo, si Tommie Mopia at nag-migrate sa …

Bianca Umali Ruru Madrid

Ruru nanghinayang, Bianca mag-isang rumampa

RATED Rni Rommel Gonzales KAHIT hindi nakadalo si Ruru Madrid sa GMA Thanksgiving Gala noong July 30, inihayag ng …

Tonton Gutierrez Gil Cuerva Gabby Garcia Khalil Ramos

Tonton natameme sa galing ni Gil Cuerva

COOL JOE!ni Joe Barrameda REVELATION si Gil Cuerva huh. Nahasa na sa galing umarte.  Dati walang kalatoy-latoy …

Mikee Quintos Lianne Valentin

Mikee natatalbugan ng kontrabida

COOL JOE!ni Joe Barrameda Kung sa seryeng Lolong ay marami ang sumusubaybay sa Primetime ng GMA, ang Apoy Sa …