Sarah Geronimo Matteo Guidicelli

Si Matteo at ‘di si Sarah ang lilipat sa GMA

COOL JOE!
ni Joe Barrameda

ANG isa pang naiirita ay ang mga boss ng GMA Network. Ito ay dahil sa mga naglalabasang balita ng paglipat ni Sarah Geronimo sa Kapuso Network. 

Wala itong katotohanan at wala silang offer kay Sarah. 

Nakahihiya nga naman kay Sarah o sa Viva Films

Ang alam ko ay si Matteo Guidicelli ang mag-GMA. Hinahanapan na nga nila ito ng project gayundin si Billy Crawford na may project sa GMA pero co-produce ng Viva. 

Kaya done deal na ‘yun. Hindi ko pa lang alam kung kailan.