Thursday , June 4 2026
Jane de leon Darna

Darna ipinabo-boykot

MA at PA
ni Rommel Placente

MAY isang netizen na may username na @YesYesyo13 ang nag-tweet na i-boycot ang upcoming series ng ABS CBN na Darna, na bida si Jane de Leon. Ito ay dahil isa raw Kakampink si Jane. 

Si dating VP Lenie Robredo kasi ang sinuportahan ni Jane noong nakaraang eleksiyon.

Tweet ni @YesYesyo13, published as is: “Guys, let’s give the Kakampwets a taste of their own cancel culture. PINK SI @Imjanedeleon. LET’S BOYCOTT DARNA!!”

May mga tagasuporta naman ni Jane ang nag-comment  at ipinagtanggol ang aktres. 

Sabi ng mga ito, parang isip-bata itong si yes,yes,yo. Porke’t daw ba Kakampink si Jane ay ipapa-boycot na nito ang Darna.

Sabi naman ng mga maka-Leni, i-boycot din daw ang Made In Malacanang kapag ipinalabas na ito.  Ang nasabing pelikula ay tungkol sa 72 hours ng mga Marcos sa  loob ng Malacanang bago sila umalis noong 1986 papuntang Hawaii.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …