Arkin del Rosario

Arkin at pamilya ginugulo ng masamang espiritu

MATABIL
ni John Fontanilla

FEELING nasa cloud 9 ang alaga ni Tyronne Escalante (T.E.A.M) si Arkin del Rosario sa dami ng proyektong ginagawa—telebisyon at pelikula—na regular na napapanood sa GTV show na Tols tuwing Sabado ng gabi.

Ginagampanan ni Arkin sa Tols si Makoy Bayagbag, guwapo at hunk na anak ni Tuks  (Betong Sumaya), may-ari ng barbershop na katapat ng Tols Barbershop na pag-aari ng triplets na sina Uno, Dos, at Third (Kelvin Miranda, Shaun Salvador,at Abdul Raman) na mga anak naman ni Mommy Barbie (Ruffa Mae Quinto).

Bukod sa bagong TV show, kasama rin si Arkin sa pelikulang Pinoy Ghost Tales, isang  trilogy horror movie. Ginagampanan ni Arkin ang role ni Jerome, na ang pamilya ay ginugulo ng masamang espiritu.