Monday , August 8 2022

Xian muling masusukat ang galing sa pgdidirehe

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

MULING sasabak sa pagdidirehe si Xian Lim sa Hello Universe ng Viva Films. Unang nagpakita ng talento sa pagdidirehe si Xian sa pelikulang Tabon na ipinalabas sa 2019 Cinemalaya Independent Film Festival at sa WeTV Original mini-series, Pasabuy.

Inamin ni Xian na masuwerte siya dahil nabigyan siya ng pagkakataon na makatrabaho ang mga itinuturing niyang idol na sjna Janno Gibbs at Anjo Yllana.

Sina Janno at at Anjo ang bibida sa Hello Universe kasama sina Benjie Paras, Gene Padilla, Sunshine Guimary, at Maui Taylor.

Tuwang-tuwa po ako. We had our meetings and nagsimula kami sa look test a couple of days ago.

“Nakatutuwa lang kasi alam mo na ibibigay nila lahat sa project. You can really see the passion and the enthusiasm sa mga mata nila.

“It’s such an honor to be working with Sir Janno and Sir Anjo kasi sila ‘yung literal na bata pa lang ako, iniidolo ko itong mga ‘to.

“It’s such an honor to be graced by their presence for them to bring years of experience sa industriya sa material na mayroon kami,” anang aktor, director at scriptwriter.

Sinabi pa ni Xian sa isinagawang mediacon, “A couple of days ago, nagkukuwentuhan kami with the production team.

“Ang sabi nila, grabe, ibang-iba from reading the material first then binigyang-buhay ng cast namin. Parang it had a new life. So, nakai-inspire.”

Sobra ring nagpasalamat sina Janno at Anjo na looking forward ding makatrabaho si Xian. 

Anang mga itinuturing na mga beterano sa pagpapatawa, gagawin nila ang lahat at ibibigay nila ang buong suporta kay Xian para mapaganda ang kanilang pelikula.

Si Janno ang nag-suggest kay Anjo para makasama sa pelikula kaya naman ganoon ang pasasalamat niya sa kaibigan gayundin sa Viva. Huli silang nagkatrabaho sa Happy Time ng Net25.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Tommie Mopia Gawad America award

US base entrepreneur/producer Tommie Mopia Gawad America awardee

RATED Rni Rommel Gonzales IPINANGANAK at lumaki sa Pilipinas, sa Iloilo, si Tommie Mopia at nag-migrate sa …

Bianca Umali Ruru Madrid

Ruru nanghinayang, Bianca mag-isang rumampa

RATED Rni Rommel Gonzales KAHIT hindi nakadalo si Ruru Madrid sa GMA Thanksgiving Gala noong July 30, inihayag ng …

Tonton Gutierrez Gil Cuerva Gabby Garcia Khalil Ramos

Tonton natameme sa galing ni Gil Cuerva

COOL JOE!ni Joe Barrameda REVELATION si Gil Cuerva huh. Nahasa na sa galing umarte.  Dati walang kalatoy-latoy …

Mikee Quintos Lianne Valentin

Mikee natatalbugan ng kontrabida

COOL JOE!ni Joe Barrameda Kung sa seryeng Lolong ay marami ang sumusubaybay sa Primetime ng GMA, ang Apoy Sa …

Rob Guinto Purificacion

Rob Guinto ‘di lang paghuhubad na-challenge rin sa Purificacion

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISA si Rob Guinto sa tampok sa pelikulang Purificacion na …